• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nuggets star Nikola Jokic nakapagtala ng panibagong records

Nagtala ng kasaysayan sa NBA si Denver Nuggets star Nikola Jokic.

 

 

Ito ay matapos na malampasan niya ang record ni dating San Antonio Spurs star Tim Duncan sa all-time list ng most games na nagtatala ng hindi bababa ng 30 points at 10 rebounds.

 

 

Naitala nito ang record sa panalo ng Nuggets laban sa Utah Jazz kung nagtala siya ng 30 points, 10 rebounds, pitong assists, isang steal at isang block.

 

 

Nasa unang puwesto pa rin si Karl Malone, na sinundan ni Dirk Nowitzki at Kevin Durant.

 

 

Sa kasalukuyan ay mayroong 10 panalo at pitong talon na ang Nuggets na siyang nasa pang-walong puwesto sa Western Conference.

Other News
  • Clarkson lalaro sa FIBA World Cup Asian Qualifiers

    MAS  malakas na koponan ang ipaparada ng Gilas Pilipinas sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na lalarga sa susunod na buwan.     Ito ang inihayag ni Gilas Pilipinas head coach at Samahang Basketbol ng Pilipinas program director Chot Reyes kung saan malaki aniya ang posibilidad na maglaro si Filipino-American Jordan Clarkson. […]

  • LGUs tumulong sa NCSC sa pagkumpleto ng 12-M senior citizens database

    UMAPELA  ang isang mambabatas sa mga local government unit (LGU) executives na suportahan anggobyerno sa patuloy na pagsusumikap na magkaroon ng maaayos at tamang database sa tinatayang 12.3 milyong seniors sa buong bansa.     Ayon kay CamSur Rep. LRay Villafuerte, napapanahon ang ginagawang national listing o cataloguing ng mga senior citizens dala na rin […]

  • Department of Education nais italaga sa mga LGUs ang pagpapatupad ng kanilang feeding program

    TINITINGNAN  ng Department of Education (DepEd) na italaga na sa mga local government units (LGUs) ang pagpapatupad ng kanilang School-Based Feeding Program (SBFP) sa 2028.     Tatlong opsyon ang pinag-aaralan ng DepEd: no devolution, partial devolution, at full devolution sa LGUs.     Ang ibig sabihin ng walang debolusyon ay pananatilihin ng departamento ang […]