Number coding posibleng ibalik na – MMDA
- Published on November 12, 2021
- by @peoplesbalita
May posibilidad na maibalik na ang ‘number coding scheme’ ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pagsikip na ng trapiko sa halos lahat ng kalsada sa Metro Manila ngayong palapit na ang Pasko at pagsailalim ng rehiyon sa mas maluwag na Alert Level 2.
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na pinag-aaralan na ng ahensya kung paano at kailan ang tamang pagbabalik nito. Tinitignan na maaari itong ipatupad muli tuwing ‘rush hour’ sa umaga at sa hapon kung kailan napakabigat ng trapiko.
“Kung patuloy na lalala ang trapiko, tinitignan namin na ipatupad ang number coding pero hindi sa buong maghapon,” ayon kay Abalos.
Posible umano na ipatutupad lamang ito tuwing ‘peak hours’ o mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon at alas-7 ng gabi.
Sinabi niya na patuloy ang pag-monitor ng MMDA sa sitwasyon sa trapiko sa mga susunod na araw bago gumawa ng desisyon. (Gene Adsuara)
-
PBBM, inaprubahan ang P5.7 trillion National Expenditure Program
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang P5.768 trillion National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2024. Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang 2024 NEP ay 9.5% na mas mataas sa P5.268 trillion budget ngayong taon. Ito rin aniya ay 21.8% ng gross domestic product (GDP) ng bansa. […]
-
Nagpasalamat ang buong cast sa groundbreaking project: PIOLO, matinding pressure ang naramdaman dahil well-acted and widely-followed ang series
MAGTATAPOS na ang Kapamilya suspense-drama series na Flower of Evil at nagpapasalamat ang cast dahil naging bahagi sila ng groundbreaking project na ito sa pagitan ng Viu at ABS-CBN. Sinabi ng main cast na binubuo nina Edu Manzano, Piolo Pascual, Paulo Avelino, JC De Vera, at Lovi Poe (via zoom) na malaking challenge […]
-
NHA magpapatupad ng moratorium sa mga benepisyaryo dahil sa bagyong Kristine
MAGPAPATUPAD ang National Housing Authority (NHA) sa ilalim ng pamumuno ni General Manager Joeben Tai ng isang buwang moratorium sa pagbabayad ng amortization at lease para sa lahat ng mga benepisyaryo ng pabahay nito, dahil sa pinsalang dulot ng bagyong ‘Kristine’. Ang Moratorium ay awtomatikong ipatutupad para sa mga benepisyaryo sa buong bansa […]