NURSING STUDENT UTAS SA SUNOG SA MALABON
- Published on March 23, 2024
- by @peoplesbalita
ISANG 20-anyos na babaing nursing student ang nasawi matapos umanong ma-trap sa nasusunog nilang tirahan sa Malabon City, Miyerkules ng umaga.
Natutulog umano ang biktimang si alyas “Nyanza”, working student ng Our Lady of Fatima University sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan sa A. Bonifacio St., Brgy. Tugatog nang sumiklab ang sunog dakong alas-7:06 ng umaga.
Sa pahayag ng tiyuhin ng biktima na si Candido Manalang, may-ari ng bahay na pinagmulan ng apoy, nalaman na lang niya sa isa pa niyang batang pamangkin na nagliliyab ang nakabukas nilang bentilador matapos magtatakbong lumabas ng bahay ang bata.
May hinala naman ang Malabon Bureau of Fire Protection (BFP) na pagkakalanghap ng makapal na usok ang ikinasawi ng dalaga na mahimbing ang pagkakatulog nang sumiklab ang sunog.
Ayon kay Malabon BFP F/Insp. Michael Jacinto, nagawa nilang makontrol ang sunog na umabot ng ikalawang alarma dakong alas-7:57 hanggang tuluyang maapula ng alas-8:12 ng umaga.
Pitong bahay ang tinupok ng apoy at siyam na pamilya ang naapektuhan na pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng Barangay Tugatog habang hindi pa batid ng Malabon BFP ang halaga ng ari-ariang natupok sa sunog. (Richard Mesa)
-
10 hanggang 65 taong gulang pinapayagan nang lumabas ng bahay
MAAARI nang lumabas ng bahay, makapamasyal at makabisita sa mga kamag-anak ang mga indibidwal na may edad na 10 hanggang 65 taong gulang. Ito’y matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na i-relax ang age-based restrictions para sa mga lugar na nasa ilalim ng […]
-
Kamara magsasagawa ng imbestigasyon sa alegasyon ng Duterte-China agreement sa WPS
INIHAYAG ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na aaksyunan ng Kamara ang kahilingan ni Assistant Majority Leader Jay Khonghun na imbestigahan ang alegasyon na nagkaroon ng gentleman’s agreement sa pagitan nina dating Presidente Rodrigo Roa Duterte at Tsina kaugnay sa West Philippine Sea. Ayon kay Dalipe, chairman ng House Committee on Rules, […]
-
Mga ospital ng DOH, nakahanda sa mga banta ng El Niño
NAKAHANDA ang mga ospital ng Department of Health sa mga banta dulot ng El Niño phenomenon. Kaugnay nito, tiniyak ng ahensiya na hindi maaantala ang heallth services para sa publiko. Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa mayroong nakalatag na contingency plan ang DOH sakaling makaranas ng kakapusan ng tubig at kuryente […]