Obiena pagkatapos ng Olympics magpapabakuna
- Published on June 17, 2021
- by @peoplesbalita
Habang atat ang mga atletang maturukan ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine ay nagdadalawang-isip naman ang kampo ni Olympic Games-bound pole vaulter Ernest John Obiena.
Sinabi ng tatay ni Obiena na si Emerson na may masamang epekto sa atleta ang COVID-19 vaccine base sa kanilang pagtatanong.
“Base sa mga pagtatanong nila sa ibang atleta na nakapagpa-vaccine na, may mga reactions doon sa vaccines na minsan umaabot ng 10 days na hindi maganda iyong pakiramdam ng atleta,” ani Emerson kahapon sa PSA Forum online edition. Plano rin ni Olympic-bound gymnast Carlos Edriel Yulo na magpabakuna matapos ang 2021 Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 sa Tokyo, Japan.
“Sa ngayon hindi pa sila makapag-confirm kung magpapa-vaccine o hindi kasi iyong 10 days na hindi ka makapag-training malaki ang effect noon sa preparation for the Olympics,” ani Emerson.
Nagbalik na sina Obiena at legendary mentor Vitaly Petrov sa kanilang training camp sa Formia, Italy matapos sumabak sa Gemany, Sweden, Netherlands at Poland.
-
Año in, Carlos out bilang National Security Adviser
OPISYAL nang nanumpa sa tungkulin si dating DILG Secretary Eduardo Año bilang bagong National Security Adviser. Sa harap mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nanumpa sa kanyang tungkulin si Año sa Palasyo ng Malakanyang. Pinalitan ni Año si Professor Clarita Carlos na nagdesisyon na ipagpatuloy ang kanyang hangarin na scholastic endeavors nang sumama sya sa […]
-
Inuman nauwi sa madugo, 1 dedo
NAUWI sa madugo ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng isang trabahador nang humantong sa patayan ang pag-aaway ng dalawa niyang bisitang kapuwa kasamahan sa trabaho sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong saksak sa leeg, ulo at mukha ang biktimang si Arnel Dante, 44, habang nadakip naman ng mga barangay […]
-
Commuters hinikayat sumama sa kilos protesta vs PUV modernization
HINIMOK ng tranport group na Manibela ang mga pasahero na makiisa sa isinagawa nilang kilos protesta laban franchise consolidation sa ilalim ng PUV modenization program dahil makakaapekto umano ito sa libu-libong mananakay ng jeepney sa darating na Enero. Ito ay kapag nagpatuloy ang itinakdang deadline sa konsolidasyon sa darating na Dec. 31. […]