• July 19, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena tama ang pagpayag

MABUTI at sumang-ayon na si 2020+1 Tokyo Olympian men’s pole vaulter Ernest John Obiena sa mediation ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa gusot niya sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

 

 

Ito ang naging tugon niya sa mga senador sa mahigit limang oras na hearing ng Senate Committee on Sports at Senate Committtee on Finance para sa dalawang partido na dinaluhan din ng mga magulang ng reigning World Athletics No. 5 at Asian record holder noong Lunes.

 

 

Ugat ng iringan ni Obiena at PATAFA na pinmumunuan nina chairman Rufus Rodriguez at president Philip Ella Juico ang mali umanong paggamit ng pondo ng atleta na mula sa kaban ng bayan o PSC.

 

 

Bago ang pagsang-ayon, dalawang ulit tinanggihan ng kasalukuyang kampeon sa Universiade, Athltics Championships at Southeast Asian Games  ang mediation na gusto ni PSC Chairman William Ramirez para matapos na rin ang bangasan sapul pa noong Nobyembre na sumisira sa imahe ng bansa  bansa sa international sports community.

 

 

Para sa OD, tama ang iyong pagbabago ng pasya EJ.

 

 

May isang tama, may isa ring mali. Pero gaya nang giniit ni Chairman Ramirez na magpaka-ama sana si Juico at si EJ magpakaanak.

 

 

Maging maginoo rin ang dalawa, magpatawaran upang matapos na ang gusot at para sa kapakanan ng PH sports.

 

 

***

 

 

Salamat po sa ating mga boss sa pagpapabalik upang makapagsulat na muli ako sa People’s BALITA mula sa limang buwang pagtigil. Salamat po uli.