Obiena tututok sa outdoor tilt
- Published on March 7, 2025
- by Peoples Balita
SESENTRO ang atensiyon ni two-time Olympian EJ Obiena sa outdoor tournaments matapos mabigong makapasok sa 2025 World Indoor Championships na idaraos sa Marso 21 hanggang 23 sa Nanjing, China.
May ilang torneo pa na qualifying tournament para sa World Indoor Championships subalit wala na ito sa kalendaryo ni Obiena.
“Even though there is still time to qualify for the World Indoor Championships, there are no more competitions left for me to participate,” ani Obiena.
Kaya naman nais na lamang ni Obiena na itutok ang kanyang preparasyon para sa outdoor events.
Sasabak pa si Obiena sa Mondo Classic sa Marso 13 subalit hindi na ito pasok sa qualifying tournament para sa World Indoor Championships na magsisimula sa Marso 12.
“The last competition was on the 16th of February in Torun, Poland and the next one that I got is Mondo Classic on the 13th of March, which is already outside the qualification period. I can promise you all that my team and I have scoured the calendar for possible competitions but no luck. With this I would inevitably miss the championships,” ani Obiena.
Huling nasilayan sa aksyon si Obiena sa Orlen Copernicus Cup sa Torun, Poland kung saan nasungkit nito ang ginto tangan ang 5.80 metro na naitala nito.
Importante rin para kay Obiena ang outdoor tournaments dahil sasabak ito sa World Championships, Asian Championships at SEA Games
-
Pangandaman, kumpiyansang mabilis na maipapasa ang panukalang P6.352-trillion national budget para sa taong 2025
KUMPIYANSA si Budget Secretary Amenah Pangandaman na agad na maipapasa ang panukalang P6.352-trillion national budget para sa taong 2025. “Thus, we are confident about the immediate passage of the proposed national budget for next year so that we can continue implementing programs and initiatives for the welfare of our people,” ayon sa Kalihim. […]
-
Navotas Mayor-elect pushes SMC megaproject
TINIYAK ni Navotas City mayor-elect Congressman John Rey Tiangco na mas maraming Navotenos ang makikinabang sa usapin sa trabaho mula sa mega-project ng San Miguel Corporation (SMC) na kinasasangkutan ng integrated expressway patungo sa new international airport sa Bulacan, Bulacan. Ani Tiangco, ang city council ay nagpasa na ng isang ordinansa bilang pag-asam […]
-
Problema sa industriya ng asukal, patuloy na pinaplantsa – PBBM
PATULOY na pinaplantsa ng pamahalaan ang problema sa industriya ng asukal. Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pangunahan nito ang pamamahagi ng government assistance sa Talisay city sa Negros Occidental. Sinabi ng Punong Ehekutibo, may kailangan pang ayusin na problema sa sugar industry na lubha aniyang napabayaan […]