• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obispo, nababahala sa pagpasok ng mga Chinese vessel sa teritoryo ng Pilipinas

Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, nababahala sa pagpasok ng Chinese vessels sa teritoryo ng Pilipinas

 

 

Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa kaugnay sa presensya ng mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

 

 

Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, nakababahala ang pananatili ng mahigit sa 200 Chinese militia vessels lalo na para sa kapakanan ng mga Filipinong mangingisda na kadalasang tinatakot at sinasaktan sa mismong karagatang sakop ng bansa.

 

 

Umaasa naman ang Obispo na tuluyan ng masolusyunan sa mapayapang pamamaraan ang suliranin ng bansa mula sa patuloy na panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea na malinaw na isang paglabag sa soberenya ng bansa.

 

 

“My reaction is medyo nakakabahala [ang presensya ng mga Chinese vessels lalo na para sa mga Filipinong mangingisda] And my message is I hope it will be resolved peacefully [ng walang nagaganap na kaguluhan].” Ang bahagi ng pahayag nii Bishop Mesiona sa panayam sa Radio Veritas.

 

 

Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA) nasa 220 Chinese militia vessels ang namataan sa Julian Felipe Reef sa Kalayaan group of Island na pagmamay-ari ng Pilipinas at nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

 

 

Ang pinag-aagawang teritoryo ay saklaw ng 200-nautical miles Exclusive Economic Zone ng Pilipinas batay na rin sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na dinaraan ng tinatayang umaabot sa higit sa 5-trilyong dolyar ang halaga ng kalakal mula sa iba’t ibang bansa kada taon.

 

 

Nauna na ring binanggit ni Pope Francis sa harapan ng mahigit 150 lider sa buong mundo ng United Nations ang pagkilala sa karapatan sa pagmamay – ari ng teritoryo lalo na ng mga mahihirap na bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Barangay captain sa Caloocan pinagbabaril todas, asawa sugatan

    NASAWI ang isang incumbent barangay captain habang sugatan naman ang kanyang asawa matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem criminals sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Gerardo Ragos Apostol, 56, Kapitan ng Barangay […]

  • Sotto tuloy lang sa training sa US

    Tuloy lang sa pagpapa­lakas si Kai Sotto sa Amerika.     Walang masyadong ingay ang kampo ni Sotto upang makaiwas sa kaliwa’t kanang bashers.     Subalit hindi tumitigil ang 7-foot-3 cager sa pagsasanay upang lubos na maihanda ang kanyang sarili sa pangarap na makapasok sa NBA.     Sa katunayan, kasama ni Sotto sa […]

  • Hidilyn Diaz mas nakatuon ang atensyon sa SEA Games at Asian Games

    Nakatuon na lamang ngayon ang atensiyon ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz sa pagdepensa ng kaniyang titulo sa SouthEast Asian Games (SEA Games) at Asian Games 2022     Ito ay matapos na umatras siya sa 2021 World Weightlifting Championships na gaganapin sa Tashkent, Uzbekistan mula Disyembre 7-17.     Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas […]