• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obrero, kalaboso sa P160K bato sa Valenzuela

ISANG construction worker na sideline umano ang pagtutulak ng ilegal na droga ang kalaboso nang pagbintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si alyas “Tata”, 40, ng Calle Onse,  Brgy., Gen T De Leon.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Cayaban na dakong alas-10:05 ng gabi nang maaresto ang suspek sa Karuhatan Public Cemetery sa Brgy. Karuhatan.

Nakumpiska sa kanya ang nasa 24 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P163,200, buy bust money na isang tunay na P500 bill at pitong pirasong P1,000 boodle money at P200 recovered money.

Ayon kay Col. Cayaban, unang nakatanggap ng impormasyon si P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at kanyang mga tauhan hinggil sa ilegal drug activities ng suspek kaya ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

Ani PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa piskalya ng Valenzuela City.

Binati ni Col. Ligan ang Valenzuela police sa kanilang dedikasyon at walang humpay na pagsisikap sa paglaban sa ilegal na droga. (Richard Mesa)

Other News
  • Saso No. 8 na sa world ranking

    Muling umangat si reig­ning US Women’s Open champion Yuka Saso sa world ranking nang okupahan nito ang No. 8 spot sa listahan.     Lumundag ng isang puwesto ang 19-anyos Pinay golfer mula sa kanyang dating ika-siyam na puwesto sa ranking.     Bumagsak naman sa No. 9 si Hyo-Joo Kim ng South Korea matapos […]

  • NTF, pupunta ng Basilan, iba pang BARMM areas para bilisan ang vax drive — adviser

    PUPUNTA ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para taasan ang COVID-19 vaccination drive sa rehiyon.     Sa Laging Handa briefing, sinabi ni NTF medical adviser Dr. Ted Herbosa na inanunsyo ni NTF Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakatakda silang bumisita […]

  • US archbishop itinalaga ni Pope Francis bilang bagong papal nuncio sa PH

    INANUNSIYO ngayon ng Vatican ang pagpili ni Pope Francis kay Archbishop Charles John Brown bilang kanyang bagong papal nuncio sa Pilipinas.   Ang 60-anyos na American diplomat ay nagmula sa bansang Albania na nagsilbi bilang apostolic nuncio mula pa taong 2017.   Papalitan ni Archbishop Brown si Archbishop Gabriele Caccia, na siya na ngayong Permanent […]