• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obrero na pagala-gala habang armado ng baril sa Malabon, pinosasan

SHOOT sa selda ang isang construction worker matapos maaktuhan ng mga pulis na may bitbit na baril habang gumagala sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong suspek na si Noel Roman, 36, construction worker ng Block 40-I, Lot 11, Phase 3-E2, Barangay Longos, Malabon City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi Col. Daro na habang nagsasagawa ng routine patrol ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 sa Brgy. Longos nang isang BIN informant ang lumapit at inireport sa kanila ang suspek na armado ng baril habang gumagala sa kaabaan ng C4 Road.

 

 

Kaagad rumesponde sa nasabing lugar ang mga pulis kung saan nakita nila ang suspek na tila may inaabangan sa kanto ng Pampano St., Brgy. Longos dakong alas-4:00 ng madaling araw habang armado ng baril kaya maingat nila itong nilapitan saka sinunggaban ang hawak na isang cal. 38 revolver na may tatlong bala.

 

 

Nang hanapan ng mga kaukulang dukomento hinggil sa legalidad ng nasabing baril ay walang naipakita ang suspek na naging dahilan upang pinosasan siya ng mga pulis.

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act). (Richard Mesa)

Other News
  • 5 arestado sa buy bust sa Valenzuela

    Limang hinihinalang drug personalities ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Valenzuela City.     Ayon kay SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni […]

  • Star player ng Cavs, inaresto

    Isiniwalat ng Cleveland Cavaliers na nakausap na nila ang kanilang star guard na si Kevin Porter Jr. matapos maaresto dahil sa illegal possession of firearms. Base sa record ng Mahoning County, nasakote si Porter, 2019 first-round draft pick, dahil sa pagdadala ng armas sa loob ng sasakyan. Agad din itong nakalaya matapos maglagak ng $4,000 […]

  • PRANGKISA MO SA PANGALAN ng IBA! PAYAG KA BA?

    Sa public transport mahalaga ang prangkisa. Pag wala ka nito at pumasada ka, colorum ang tawag sayo.  Ang prangkisa ay ipinagkakaloob ng Estado sa isang indibidwal para ang holder ng franchise ay ligal na maghanapbuhay sa sektor ng public transportation. Pero dahil apektado nito ang isang uri ng public service – ang public transpo nga – […]