OCD, muling pupulungin ang National El Niño Team sa gitna ng banta ng matinding tag-tuyot, kakulangan o kawalan ng ulan
- Published on July 15, 2023
- by @peoplesbalita
MULING pupulungin ng Office of Civil Defense (OCD) ang National El Niño Team sa layuning mas pag-isahin at itugma ang implementasyon ng pagsisikap na maghanda at tugunan ang matinding epekto ng tag-tuyot at kakulangan o kawalan ng ulan sa bansa.
Sa isang kalatas, sinabi ng OCD na nakatakda ang pagpupulong sa Hulyo 19 kung saan pag-uuusapan ang nagpapatuloy na aktibidad ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa El Niño.
“Also, priority among the discussion points is the presentation of the short, medium and long term plans of various team clusters to address the effects of El Niño on food security, water security, energy security, health, public safety and cross cutting issues,” ang nakasaad sa kalatas.
Sinabi naman ni OCD administrator at executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Undersecretary Ariel F. Nepomuceno, na nais na niyang isapinal ang National Action Plan for El Niño lalo pa’t idineklara noong Hulyo 4 na nagsimula na ang El Niño phenomenon.
Sa kabilang dako, pangungunahan naman ni Nepomuceno ang nasabing miting kung saan ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) ay magbibigay din ng kanilang updated forecast ng climate phenomenon at estado ng iba’t ibang dam sa bansa.
“We are looking forward to the finalization of the National Action Plan for El Niño by this team as we continue to undertake various activities specific to our agency mandates to ensure that the effects of El Niño-induced dry spells and drought to the country can be countered,” ayon kay Nepomuceno.
“Pagasa forecasts the possible strengthening of El Niño towards ‘moderate” to “severe” degree by the latter part of 2023,” ayon sa ulat.
Samantala, regular naman na nagpupulong ang National El Nino Team para sa updates na ginagawang hakbang ng ahensiya kasunod ng naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa isang “science-based, whole-of-nation strategy” para ihanda ang bansa para sa matinding epekto ng climate phenomenon. (Daris Jose)
-
Halos 29-K job seekers, sinamantala ang ‘Independence Day’ job fair
MAHIGIT 28,000 na mga naghahanap ng trabaho ang nagtungo sa iba’t ibang lugar kung saan isinagawa ang nationwide “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan” job at business fairs bilang bahagi ng Independence Day celebration. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), sinamantala ng 28,600 job seekers ang 151,000 local at overseas employment opportunities. […]
-
Higanteng Christmas tree ng Bulacan, iilawan na
LUNGSOD NG MALOLOS– Pangungunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo sa pag-iilaw ng higanteng Christmas tree sa pagsisimula ng “Paskong Bulacan at Pag-iilaw ng Krismas Tree” sa Lunes, Disyembre 6, 2021 sa ganap na ika-6:00 ng gabi sa Gen. Gregorio Del Pilar Park, Antonio S. Bautista, Provincial Capitol Compound sa lungsod na ito. […]
-
PDu30, ikakampanya ang mga kapartidong tatakbo sa Eleksyon 2022
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ikakampanya niya ang kanyang mga kapartido sa PDP-Laban na tatakbo sa Eleksyon 2022. Sinabi pa nito na magdadala rin siya ng pera habang nagsasagawa ng pangangampanya. Ang pangakong ito ni Pangulong Duterte ay matapos na pamunuan ang panunumpa ng mga bagong PDP-Laban officials sa isang miting […]