• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OCTA, HINDI NANGANGAMBA SA PANIBAGONG SURGE

HINDI nangangamba ang OCTA sa panibagong surge ngayong holiday season matapos na walang namo-monitor na panibagong ngayong  nalalapit na ang Kapaskuhan kung saan inaasahang  maglalabasan ang mga tao.

 

 

Ayon ito kay  OCTA Research  Group Fellow Dr. Guido David at sinabi na maliban sa isa na mula Delta variant o ang tinawag na sub-variant na sinasabing sampung porsyento na mas nakakahawa ay wala nang iba pa na nakikitang panibagong variant.

 

 

Ayon kay David, marami na rin ang nababakunahan partikular sa National Capital Region (NCR) pero paalala nito na dapat makasabay ang mga nasa probinsya kung saan mataas  ang vaccine hesitancy ng mga tao.

 

 

Bagama’t wala silang namo-monitor na posibleng surge ng COVID-19 sa ngayon, ang publiko ay dapat pa ring magpatuloy sa contact tracing, testing, quarantine at isolation.

 

 

Dapat ding patuloy ang pagsunod ng publiko sa minimum public health standard upang maiwasan ang posible pang hawaan ng naturang sakit

 

 

Dagdag pa nito hanggat maari ay iwasan rin ang mass gathering at panatilihin ang pagsusuot ng facemask at pagsunod sa social distancing para tuluyang bumaba ang kaso ng Covid sa bansa.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • PDu30, pumalag sa isyu na kinokontrol siya ni Sen Bong Go

    TUWIRANG sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi siya kailanman kinokontrol ni Senator Christopher “Bong” Go.   Ito ang tugon ni Pangulong Duterte sa naging pahayag ni presidential aspirant at dating Army officer Lieutenant General (ret.) Antonio Parlade Jr. na si Go ay bahagi ng problema ng bansa at kino-kontrol nito ang mga desisyon ng […]

  • Umaasang mamahalin din ang role sa bagong serye… GABBY, constant ang communication sa mga kapatid lalo na kay ANDI

    BILANG mabait at matapang na commander ng Earth Defense Force, minahal ng publiko ang karakter ni Gabby Eigenmann bilang si Commander Robinson sa ‘Voltes V: Legacy’ na umere sa GMA noong 2023. Marami nga ang naapektuhan at nalungkot noong namatay si Commander Robinson sa kamay ng mga aliens na Boazanian habang ipinagtatanggol ang anak niyang si […]

  • Mga sibilyang pinatay ng Russian forces sa Bucha sa Ukraine, nasa mahigit 300 na – Bucha mayor

    TINATAYANG  nasa mahigit 300 na ang bilang ng mga sibilyang pinatay ng mga sundalo ng Russia sa Bucha sa Ukraine.     Sa isang pahayag ay sinabi ni Bucha Mayor Anatoly Fedoruk, na personal niyang nasaksihan ang walang habas na pagpatay sa maraming mga sibilyan na kabilang sa 320 nasawi sa kanilang lungsod.     […]