OCTA inaasahang bababa sa 2-K COVID-19 cases kada araw sa Nobyembre
- Published on October 28, 2021
- by @peoplesbalita
Maaring bumaba pa sa 2,000 ang bilang ng bagong COVID-19 cases kada araw sa katapusan ng Nobyembre, ayon sa OCTA Research group.
Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang average ng bagong COVID-19 cases ay bumaba sa 4,848 mula Oktubre 20 hanggang 26.
Mas mababa ito kumpara sa 6,909 average cases mula Oktubre 13 hanggang 19.
Sinabi ni David sa isang tweet na ang huling beses na umabot sa ganito kababa ang 7-day average ay noong Marso 12 hanggang 18 nang maitala ang 4,848 average cases.
Ang latest projection ng OCTA Research ay mas mababa kaysa 6,000 cases per day na kanilang nauna nang inasahan para sa Nobyembre.
Ayon sa Department of Health, ang bansa ngayon ay nakabalik na sa low risk status para sa COVID-19.
Pero babala ng kagawaran sa publiko na huwag magpakampante at patuloy pa ring sumunod sa health protocols.
-
Dagdag kontribusyon idinepensa ng PhilHealth
IDINEPENSA ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang isinusulong nilang mas mataas na kontribusyon para sa kanilang mga miyembro at sinabing kinakailangan ito para sa kanilang plano na palawakin pa ang kanilang coverage. Ayon kay PhilHealth CEO Emmanuel Ledesma Jr., sa ilalim ng kanilang planong expansion of coverage, hindi na kakailanganin pa ng […]
-
Teves, 6 pa kinasuhan ng CIDG
SINAMPAHAN na ng kaso ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at anim nitong staff kaugnay sa mga hindi umano lisensiyadong mga armas at bala na nakuha sa isinagawang raid sa mga bahay ng kongresista ng nakalipas na linggo. Ayon sa PNP-CIDG, bukod kay […]
-
SIM card registration sa bansa, umabot na sa 15% –DICT
UMABOT na sa mahigit 15% ng lahat ng SIM cards sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang rehistrado na sa kani-kanilang public telecommunication entities (PTEs) “as of Saturday, January 28.” Base sa data ng Department of Information and Communications Technology (DICT), may kabuuang 26,637,515 SIM cards ang rehistrado na “as of 11:59 p.m. […]