OCTA magsusumite ng bagong vaccine model para sa limitadong COVID-19 vaccine
- Published on April 17, 2021
- by @peoplesbalita
Magsusumite ang OCTA Research group ng vaccine model o paghahambingan ng gobyerno para mabigyan ng tugon ang limitadon suplay ng COVID-19 vaccine sa National Capital Region (NCR) kung saan marami ang kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research group, ang nasabing model ay nakatuon sa limitadong suplay sa NCR.
Mayroon daw silang ginagawang dalawang vaccine models na may iisang layunin para mapabuti ang pagsasagawa ng vaccination program.
Maari aniyang magreklamo ang ibang rehiyon subalit dapat isipin na ang malaking bilang ng kaso ng COVID-19 ay naitatala sa NCR at Calabarzon, Rizal at Bulacan.
Kapag aniya na natugunan ang nasabing problema sa nabanggit na mga lugar ay tiyak na mayroong epekto ito sa ibang mga rehiyon.
Dapat daw nakatuon ang gobyerno sa lugar kung saan mayroong mataas na kaso ng COVID-19 na ito ay ang NCR at Calabarzon.