• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OCTA sa gov’t: Maging maagap vs Delta variant

Inirekomenda ng OCTA Research group sa pamahalaan na magpatupad na sa lalong madaling panahon ng “bold moves” gaya ng “circuit-breaker” lockdowns laban sa Delta variant sa Pilipinas.

 

 

Sa Laging Handa briefing kaninang tanghali, sinabi ni Dr. Guido David na ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ay pumalo na sa 1.33, malayong-malayo kung ikukumpara sa 0.68 lang sa nakalipas na buwan.

 

 

Sa ngayon, hindi pa aniya tukoy kung ano ang totoong dahilan sa pagtaas ng COVID-19 cases, pero posible na ito ay dahil sa Delta variant, na mas nakakahawa kung ikukumpara sa orihinal na strain ng coronavirus.

 

 

Ayon kay Professor Ranjiit Rye, nakakaranas na ng surge ang National Capital Region (NCR) sa mga nakalipas na araw, bagay na hindi aniya dapat balewalain o palampasin lamang.

 

 

Kapag hindi kasi aniya mapigilan ito, posibleng aabot sa 1,000 cases ang maitatala kada araw sa NCR lamang.

 

 

Kaya payo nila sa pamahalaan ay maging maagap tulad ng ginawa ng Australia at New Zealand para maiwasan na lumala pa ang sitwasyon tulad ng nangyari sa India at Indonesia kung saan hindi kinaya ng kanilang health care system ang sobrang dami ng mga naitatalang bagong kaso sa kada araw.

 

 

Kaugnay nito, hinikayat ng OCTA ang publiko na iwasan na muna ang pagkain sa labas gaya ng sa mga restaurant at pagdalo sa mga social gatherings.

 

 

Sinabi ni Rye na malaki ang posibilidad na kapitan ng virus ang isang tao lalo na kung hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

 

 

Sa ngayon, 119 na ang Delta variant cases sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, hindi hinahadlangan ang impeachment complaints laban kay VP Sara

    HINDI hinahadlangan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang proseso ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.   Sa press briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, pinabulaanan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pahayag ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na di umano’y ang […]

  • Ads November 25, 2023

  • Kumpanyang sangkot sa oil spill, dapat magbigay din ng ayuda

    HINIMOK  ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap ang kumpanya ng lumubog na MT Princess Empress na magbigay din ng ayuda sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro.     Ayon kay Cong. Yap, “napapansin ko na pawang gobyerno lang ang nagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng oil spill at walang pakunswelo man lang ang […]