OFW, hinampas ng alon, nalunod, patay
- Published on February 24, 2025
- by Peoples Balita
NABAHIRAN ng lungkot ang masayang outing ng mga magkakaibigan nang nalunod ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa isang resort sa Calatagan, Batangas Linggo ng hapon.
Isinugod pa sa Calatagan Medicare Hospital ang biktimang si Diosdado Plonera Catanay, 43 binata ng Brgy Pantalan, Nasugbu Batangas subait idineklarang dead on arrival.
Sa ulat, nagkayayaan ang mga magkakaibigan kabilang ang biktima na magtungo sa PASSY Beach Resort na matatagpuan sa Brgy Bagong Silang, Calatagan, Batangas.
Habang naliligo sa mababaw na tubig sa harapan ng resort nang tangayin sila nang malakas na alon at dalhin sa malalim na bahagi ng dagat na nagresulta sa pagkakalunod ng biktima bandang alas-2:30 kamakalawa ng hapon.
Humingi ng saklolo sa lifeguard ng resort kung saan naiahon ang biktima at agad na dinala sas ospital subalit wala ng buhay bago pa man idating. (Gene Adsuara)
-
Transportasyon sa NCR mananatiling 50% capacity kahit ECQ
Mananatiling 50% capacity ang mga transportasyon sa land, air at sea sa loob ng dalawang (2) linggong may enhanced community quarantine (ECQ) sa kalakhang Metro Manila simula ngayon hanggang August 20. Pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) na panatilihin […]
-
Wish na someday maging okay sila as friends: Direk DARRYL, ‘bayani’ ang turing kay Direk JOEL kaya ‘di kayang laitin
DAHIL silang dalawa ang pinaka-kontrobersiyal na direktor sa ngayon dahil sa magkasalungat na political opinions at tema ng pelikula, minabuti naming hingan ng mensahe si Darryl Yap na direktor ng ‘Martyr Or Murderer’ para kay direk Joel Lamangan ng ‘Oras De Peligro’. “Sa tingin ko I don’t wanna give a message, just, you know, […]
-
PH Jeanette Aceveda out na sa Tokyo Paralympics matapos magpositibo sa COVID-19 test
Kinumpirma ng Philippine Paralympic Committee (PPC) na hindi na makakalaro sa kanyang event ang discus thrower na si Jeanette Aceveda sa 2020 Tokyo Paralympic Games matapos na magpositibo sa COVID-19. Liban kay Aceveda, maging ang kanyang coach na si Bernard Buen ay nagpositibo rin sa isinagawang mandatory daily saliva antigen test at sa […]