• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Oktubre 31, deklaradong special non-working holiday; long weekend nag-aantay

INIANUSYO ngayon ni Office of the Press Secretary officer in charge Usec Cheloy Garafil na pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang proclamation na nagdideklara sa October 31 ngayong taon bilang special non working holiday.

 

 

Sinabi ni Garafil na ito ay para mabigyan ng mahaba-habang panahon ang ating mga kababayan na gunitain ang panahon ng todos los santos.

 

 

Ang October 31 ay Lunes kaya magiging long weekend ang bago magkatapusan ng buwan o mula Sabado, October 29 hanggang sa November 1, All Saints Day, araw ng Martes.

 

 

Dahil dito, sinabi ni Garafil na may sapat na panahon para makauwi sa kani-kanilang lalawigan ang ating mga kababayan para bisitahin ang kanilang mga namayapang mga mahal sa buhay hanggang muling makabalik kung saan man sila naninirahan o nagtatrabaho.

Other News
  • Tautuaa, Gilas ‘Pinas 3×3 babatak sa ‘Calambubble’

    UUMPISAHAN na sa darating ng Linggo ng Gilas Pilipinas national men’s 3×3 basketball  team ang ‘Calambubble’ training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna  bilang preparasyon sa International Basketball  Federation Olympic (FIBA) Qualifying Tournament sa Mayo 26-30 sa Graz, Austria.     Magpapatikas ng porma sina Philippine Basketball Association (PBA) stars Moala ‘Mo’ Tautuaa […]

  • Ads July 2, 2020

  • Saldaña pinamamalimos para sa pagpapagamot

    NASA hindi mabuting kalagayan sa kasalukuyan six-time Philippine Basketball Association (PBA) champion at two-time Barangay Ginebra San Miguel player Antero ‘Terry’ Saldana.     Ipinaskil sa Facebook page nitong Linggo ni Gil Boylie Ibasan Lopez, ang kaawa-awang sitwasyon ng 63 taong-gulang na, 6-3 ang taas na ex-pro kung saan nasa wheelchair na may mga sugat […]