Oleksandr Usyk muling tinalo si Tyson Fury
- Published on December 24, 2024
- by @peoplesbalita
TINALO ni Oleksandr Usyk si Tyson Fury sa kanilang ikalawang pagkikita sa boxing ring.
Nakuha ni Usyk ang unanimous decision na panalo sa laban na ginanap sa Saudi Arabia.
Dahil dito ay nananatiling wala pa rin itong talo sa dalawang division.
Magkakaparehas na binigyan ng judges na 116-112 ang Ukrainian boxer para ibigay ang ikalawang pagkatalo kay Fury.
Mayroon ng 23 panalo at wala pang talo si Usyk na mayroong 14 knockouts habang si Fury ay mayroong 34 panalo, dalawang talo at isang draw.
Unang tinalo ni Usyk si Fury noong buwan ng Mayo at humirit pa ito ng rematch.
Taong 2022 ng ianunsiyo ni Fury ang kaniyang pagreretiro sa boxing at ito bumalik muli sa laban matapos ang ilang buwan.
Kinuwestiyon naman ni boxing promoter Frank Warren ang desisyon ng mga judges subalit minaliit lamang ito ni Usyk.
Nanguna naman si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na bumati sa kanyang kababayan na boksingero.
Naging sundalo kasi si Usyk na siyang lumaban din ng sakupin sila ng Russia.
-
MANILA LGU, NAGHAHANDA PARA SA FACE TO FACE CLASSES
NAGHAHANDA na ngayon ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa face to face classes. Kabilang dito ang pakikipagtulungan sa Manila Health Department na siyang nangangasiwa sa pag-disinfect ng paaralan. Sa inilabas na impormasyon ng manila public information office – sinimulan na ng Manila Health department ang paglilinis o pag-disinfect sa mga […]
-
Bilang pagsuporta sa magandang adbokasiya ng Musa: VINA, bonggang-bongga na rumampa sa ‘New York Fashion Week’
TUWANG-TUWA si Vina Morales dahil sa bonggang-bongga siyang rumampa sa runway ng New York Fashion Week para sa Musa. Pinag-usapan nga ang 46-year old na singer/actress na naging bahagi ng catwalk para sa isang layunin na malapit sa kanyang puso. Caption niya sa IG post, “Such an honor to do the grand finale […]
-
Glass case sa palibot ng Nazereno, planong lagyan
PLANO ng bagong Traslacion committee plan na maglagay ng kahong salamin o glass case sa palibot ng 400 taong gulang na imahe ng Itim na Nazareno para sa pagbabalik ng prusisyon sa Enero 9. Isinasagawa na ang preparasyon dahil sa inaasahang pananabik ng mga deboto makaraang matigil ang Traslacion ng tatlong taon dahil […]