Olympian Carlo Paalam dinalaw ang kasamahang amateur boxers sa CdeO
- Published on August 31, 2021
- by @peoplesbalita
Naglaan ng isang simpleng pagtitipon si 2020 Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam sa mga boksingero ng Cagayan de Oro City Amateur Boxing Team kung saan siya nagmula.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling nakasama ni Paalam ang kanyang mga kapwa boksingero matapos nagwagi sa Tokyo Olympics.
Ikinuwento ni Paalam ang kanyang mapait na nakaraan at karanasan sa buhay kung saan kumukuha lamang ng basura upang makayanan lamang ang pang-araw-araw na pagkain ng kanyang pamilya.
Dagdag nito, hindi madali ang kanyang buhay ngunit nagbago ang lahat nang umabot siya sa edad na siyam matapos na ma-recruit ni coach Elmer Pamisa sa amateur boxing program.
Kaya naman, pinayuhan ni Paalam ang mga kapwa boksingero na walang imposibleng makamit ang kanilang mga pangarap at mithiin sa buhay kung magkaroon lamang ng sipag, pagsisikap at disiplina sa sarili.
Ang tagumpay ni Paalam sa Olympics ay tagumpay din para sa koponan ng amateur ng Cagayan de Oro at nagsilbing inspirasyon sa iba pang mga boksingero.
-
1,069 Magsasaka, mangingisda, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan
LUNGSOD NG MALOLOS– Tumanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P5,000, food packs, at fertilizer ang 1,069 na magsasaka at mangingisda mula sa mga bayan ng San Miguel, Obando, at San Rafael bilang bahagi ng Distribution of Rehab Assistance to Farmers Affected by El NiƱo na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center […]
-
METAL BARRIER o BODY SHIELD, KAILANGAN PA BA KUNG ang MAGKA-ANGKAS sa MOTORSIKLO ay MAG-ASAWA o NAGSASAMA?
Yan ang tanong ng marami sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP). Ayon sa IATF, mukhang ito ang ipatutupad nila para payagan ang angkasan sa panahon ng GCQ. Maski sinasabi pa ng mga eksperto, mga mambabatas at ilang lokal na opisyal, na hindi na kailangan ang barrier sa pagitan ng dalawang magka-angkas sa motor […]
-
Ads April 16, 2021