• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Olympic at SEAG-bound delegates babakunahan na sa Biyernes

Sa Biyernes sisimulan ang pagtuturok ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines sa mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 2021 Olympic Games at sa Southeast Asian Games.

 

 

Gagawin ang bakunahan sa Manila Prince Hotel sa San Marcelino St. sa Maynila, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

 

 

“Ang good news po ngayon ay inaprubahan na rin ang ating vaccination day on Friday, exclusive for Olympic-bound delegates and SEA Games-bound delegates,” sabi ni Tolentino sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online session.

 

 

to ay sasaksihan nina Chief Implementer of the National Task Force against COVID-19 Secretary Carlito Galvez, Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at COVID-19 testing czar Secretary Vince Dizon.

 

 

Ang bibigyan ng COVID-19 vaccines ay ang mga national athletes, coaches, officials at delegation members na lalahok sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan at sa SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Nakatakda ang Tokyo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 habang idaraos ang Vietnam SEA Games sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.

Other News
  • Inflation pinakamataas simula Nobyembre 2018 matapos sumirit sa 6.1%

    NAITALA nitong Hunyo ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa Pilipinas sa nakalipas na 44 buwan matapos tumalon sa 6.1% ang inflation rate kasabay ng sunud-sunod na oil price hikes, pagtataya ng Philippine Statistics Authority (PSA).     Ito’y matapos nitong maungusan ang 5.4% inflation rate na naitala nitong Mayo, na noo’y pinakamataas […]

  • Arayi, Lim sa WNBL Draft

    MAY dalawang beteranang kasapi ng Philippine women’s basketball team o Gilas Pilipinas women ang nagkumpirma ng kanilang paglahok sa bagong panganak na pro Women’s National Basketball League (WNBL) Draft para sa buwang ito.   Ang isa ay si Ewon Arayi, na kasalukuyang coach ng Adamson University sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at […]

  • Barriers para sa back-riding couples walang gamit, mapanganib pa

    Isang administration lawmaker ang hindi sangayon sa paglalagay ng barriers sa pagitan ng riders at back-rider ng motorcycle na kung saan sinabi niyang ito ay walang gamit at mapaganib pa na gamitin.   “I just hope that the task force will just forgo its shield requirement. I don’t see any reason why a divider or […]