• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Omicron subvariant ‘XBB’ posibleng nasa Pinas na

PARA sa infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante, naniniwala siya na nakapasok na ang bagong COVID-19 Omicron subvariant XBB sa bansa dahil sa maluwag na polisiya ng pamahalaan sa “border control” at pagpasok ng mga biyahero.

 

 

Sinabi rin ni Solante na hindi maaaring maisantabi na ang patuloy na pagkakatala ng mga bagong kaso kada araw sa 2,000 ay epekto na ng XBB subvariant.

 

 

“Hindi natin ma-rule out ‘yan kasi unang-una, ang mga tine-test natin ngayon for sequencing, hindi na ganoon karami ang mga samples. Pangalawa, we have an open border. We have daily flights with Singapore,” saad ni Solante.

 

 

“There’s a possibility that this variant can also be present here, but we don’t know. We don’t know yet kasi hindi pa naman nakikita doon sa Philippine Genome Center,” dagdag niya.

 

 

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi pa nakakapasok sa Pilipinas ang XBB subvariant.

 

 

Sa kabila nito, ipinayo ni Solante sa publiko na manatiling mapagmatyag at umiwas na muna sa paglabas-labas kung hindi naman importante ang pakay. Kailangan din ang masusing pagsunod sa “minimum public health standards” lalo na sa pagsusuot palagi ng face mask at pag-iwas sa kumpulan ng tao. (Gene Adsuara)

Other News
  • US firms, handang i-employ ang mga OFWs na nailigtas ng gobyerno ng Pilipinas mula Sudan

    NAGPAHAYAG ng interest ang american business firms na i-employ ang mga  Overseas Filipino Workers (OFWs) na kamakailan lamang ay nailigtas ng Philippine government mula sa Sudan.     “They’re willing na tingnan ‘yung profiles nung mga galing Sudan kasi sabi ko these are skilled workers. Sabi ko, may international school na teachers may mga nurses, […]

  • Magsayo idedepensa ang WBC belt vs Vargas

    WALA munang rematch sina reigning World Bo­xing Council (WBC) fea­therweight champion Mark Magsayo at Gary Russell Jr.     Ito ay matapos ipag-utos ng WBC ang mandatory title defense ng Pinoy pug laban kay Mexican challenger Rey Vargas.     Umaasa ang ilan na magkakaroon agad ng Part 2 ang Magsayo-Russell fight.     Subalit […]

  • HEART, pinatulan ang netizen na nagtanong kung bakit palagi siyang naka-bra

    PINATULAN ni Heart Evangelista ang isang netizen na pumuna sa kanyang Instagram post kunsaan, nag-post si Heart na naka-bra lang at naka-denim pants.           Kinukuwestiyon ng netizen si Heart at sa suot niya.     Sabi nito, “Bakit lagi ka na lang naka bra ngayun?”           Sinagot ito ni Heart na, […]