ONE eSports Dota 2 Indonesia, inilatag
- Published on March 9, 2020
- by @peoplesbalita
IPINAHAYAG ng ONE eSports, isang subsidiary ng ONE Championship (ONE) na pinakamalaking global sports media property sa Asia, ang pakikipagtambal sa PGL para sa pagsasagawa at pagsasapubliko ng official schedule sa Singapore para sa susunod na ONE Esports Dota 2 Indonesia Invitational sa Nobyembe 23-29.
“The success of the ONE Esports Dota 2 Singapore World Pro Invitational is only the beginning and we want to continue our investment in the Dota 2 ecosystem. I’m excited to announce another Invitational in Indonesia in November 2020 after the Singapore Major in June,” wika ni Carlos Alimurung, CEO ng ONE eSports. “As always, we will bring together the world’s best pro teams to compete, and fans can look forward to exciting matches, meet-and-greet sessions, cosplays, and the best experiences at our event.”
Tinanghal na overall winner sa ONE Esports Dota 2 Singapore World Pro Invitational noong Disyembre 17-19, 2019 ang Vici Gaming ng China.
Umabot sa 88 milyong global views, kasama ang 464,000 na pinakamataas na sabay-sabay na nanood mula sa 24 bansa na bansa ang unang leg ng palaro.
Ang mga inimbitahang koponan sa nakatakdang paligsahan ay ang Alliance, Evil Geniuses, Gambit Esports, J.Storm, PSG.LGD, Natus Vincere, Team Aster, Team Liquid, Team Secret, TNC Predator, Vici Gaming at Virtus.pro.
Paglalabanan sa ONE Esports Dota 2 Invitational Series-ONE Esports Dota 2 Indonesia Invitational ang US$500,000. (REC)
-
Kaligtasan muna, ayon sa mga pyro manufacturer dealers
UPANG mapanatiling sariwa sa kaisipan ng mga stakeholder ang safety practices sa paggawa, pagbebenta, pamamahagi at tamang paggamit ng mga produktong paputok, nagsagawa ng seminar ang Philippine Pyrotechnics Manufacturer Dealers Association Inc. kasama ang Philippine National Police Civil Security Group-Firearms and Explosive Office sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kamakailan. Kailangan […]
-
Fajardo lalaro pa rin para sa ‘Pinas
PATUNGO na sa United States 41st National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2021-22 Division I school na Fairleight Dickinson University Knights si Ella Patrice Fajardo, pero tiniyak nahindi niya tatalikdan ang paglalaro pa rin para sa Gilas Pilipinas sa hinaharap. “Honestly, the feelings that I have for the Philippines like I know for a fact that […]
-
COA: P12-B DEAL NG BCDA NOONG SEA GAMES, MAITUTURING NA ‘DISADVANTAGE’
TINAWAG na ‘disadvantage’ ng Commission on Audit ang P12-billion deal ng gobyerno para sa pagpapatayo ng National Government Administrative Center at pasilidad na ginamit noong 2019 Southeast Asian Games sa New Clark City. Ayon sa state auditor, pinagastos umano ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) ang pamahalaan ng P1 billion noong isinama ang P8.5 […]