• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Online modus’ maaaring dumami pa ngayong holiday season; pulisya, pinag-iingat ang publiko

PINAG-IINGAT ngayon ng pulisya ang publiko sa posibleng paglaganap ng mga online scams lalo na’t nalalapit na ang holiday season.

 

 

Sa mensahe ni Police Regional Office-7 director police Brigadier General Roderick Augustus Alba, sinabi pa nito na panahon ito na maaaring magsamantala ang mga may pakana sa online modus.

 

 

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Alba ang publiko na mag-ingat sa mga text message, email, at tawag na natatanggap mula sa mga hindi rehistradong numero o email addresses.

 

 

Hangga’t maaari pa ay agad itong burahin at wag nang i-click ang anumang natanggap na kahina-hinalang link.

 

 

Sinasamantala pa ng mga online scammers ang kanilang mga biktima upang makakuha ng pera mula sa mga ito o iba pang mahalagang personal na impormasyon sa pamamagitan ng mga email account sa personal o trabaho, mga social networking site, dating app, o iba pang mga pamamaraan.

 

 

Sinabi naman ng opisyal ng pulisya na iwasang maging biktima ng mga online scams at agad isumbong sa mga otoridad sakaling may impormasyon ukol dito.

 

 

“Maging maingat sa mga text message, email at tawag na natatanggap mula sa unregistered number or email address. Hangga’t maaari, burahin ang mga ito at wag ng i-click. Ngayong papasok ang holiday season, maaaring magsamantala ang mga may pakana ng mga online modus kaya mas doble pag-iingat ang kailangang gawin,” saad pa ni Alba.

Other News
  • Garcia tutumba kay Pacquiao!

    Hindi tatagal si dating world champion Mikey Garcia sa ibabaw ng ring sa oras na makasagupa nito si eight-division world champion Manny Pacquiao.     Ito ang pananaw ni strength and conditioning expert Justin Fortune kung matutuloy ang planong pagtutuos nina Pacquiao at Garcia sa Hulyo o Agosto sa Dubai, United Arab Emirates.     […]

  • PBBM, binigyang -pugay ang mga kababaihan at kalalakihan na nagpagmalas ng kagitingan para sa bayan

    BINIBIGYANG-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng mga kababaihan at kalalakihan na nagpamalas ng kanilang  kakaibang katapangan at giting sa  pakikipag-laban at nagsakripisyo alang-alang sa bayan.     Ang mensahe na ito ng Pangulo ay matapos magpahayag na kaisa siya ng sambayanang Filipino  na nagdiriwang ngayon ng National Heroes Day o Araw ng […]

  • Estate Tax Amnesty, palawigin

    IPINASA ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukalang magpapalawig sa ipinatutupad na Estate Tax Amnesty ng dalawang taon o hanggang 2025.     Layon ng panukala na mabigyan ng sapat na panahon sa mga taxpayer para mabayaran ang kanilang tax obligations.     Base sa Republic Act no.11569 na inamyendahan ng RA 11213 o ang […]