Online scam crackdown, malaking hamon sa mga awtoridad bunsod ng SIM registration-PAOCC
- Published on February 18, 2025
- by Peoples Balita
SINABI ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na malaking hamon para sa mga awtoridad ng bansa ang sugpuin ang online scams dahil sa SIM Registration Act.
Inihayag ito ni PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz matapos na iulat ng credit rating firm na Moody’s na may Filipino entity at mga tao ang sangkot sa romance scams. Sa katunayan, nakita ang mabilis na pagsirit sa 45 noong 2024 kontra sa 10 noong 2023.
“The Philippines ranked seventh globally for the highest number of entities and people with potential ties to romance scams,” ayon sa Moody’s.
Aminado naman si Cruz na ang Pilipinas ay naging hotspot para sa cyber scams, partikular na sa romance scams at financial fraud.
“Iyong mga nakakausap ko pong mga foreign counterparts natin, law enforcement counterpart, every time they do an investigation, lumalabas ho na iyong mga scamming activities o iyong source ng scamming ay nanggaling po sa Pilipinas,” aniya pa rin.
“Kapag sa international scene ho, kapag naimbitahan po ako doon o kapag uma-attend po ako ng mga seminars, forums o kaya meeting, it’s always… sasabihin nila, ‘We have victims here in our country and upon tracing, nakita namin na it’s coming sa inyo,'” ang sinabi ni Cruz.
Winika pa ni Cruz na isa sa mga probema ay ang SIM Registration Act, sinasabing napahihintulutan ang mga tao na mag-register ng kanilang SIM card gamit ang pekeng detalye.
“Iyong SIM card registration natin kahit sino, kahit anong address ang ilagay mo pwede, kahit anong mukha ang ilagay mo pwede. So, sino ang hahabulin ng imbestigador? Blangko ‘di ba,” ang sinabi pa rin ni Cruz.
“So, iyon po iyong problema natin dito. Iyong mga krimen, online crimes na nangyayari nag-i-emanate po iyan kasi alam po nila na makakalusot sila dahil sa SIM card registration. Fake iyong ginagamit nila, mga bogus names, bogus address,” aniya pa rin.
Sinabi pa ni Cruz na ang pinaka-nakakaalarmang scams ay ang tinatawag na “love scam” kung saan ang mga biktima, kadalasan ay retiradong lalaki na mahigit sa 35 taong gulang na may negosyo ang namamanipula sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera sa mga nagpapanggap o manlolokong tao gamit ang manuals na ginawa daw ng psychologists at psychiatrists na binayaran ng mga ito.
Ibinuking din ni Cruz na ang mga scammers ay mayroong maraming larawan ng magagandang babae at pinag-aralan ang social media behavior ng kanilang biktima. Ang prosesong ito ay tumatagal ng pitong araw.
“Kapag na-in love na si sir doon… I-introduce si sir sa cryptocurrency. Kapag na-introduce na siya at nakapagbigay na siya, kinabukasan wala na si Ana. Ang problema ngayon sinong hahabulin mo?” ayon kay Cruz, ginamit na halimbawa ang fake identity. (Daris Jose)
-
Task force, bineberipika ang ulat ng nawawalang mga mangingisdang Pinoy sa WPS
IBEBERIPIKA pa munang mabuti ni National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) chairperson Hermogenes Esperon Jr. ang inihayag ni presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson na may ilang mangingisdang Filipino ang sinasabing nawala sa karagatan. “Mag-verify lang ako kasi wala syang sinasabing dates,” ayon kay Esperon, isang National Security Adviser, sa […]
-
Happy 38th Anniversary People’s Balita
-
Tambay kulong sa hindi lisensyadong baril sa Navotas
TIMBOG ang 22-anyos na tambay na nag-iingat ng hindi lisensiyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang tirahan sa bisa ng search warrant sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Bago nadakip ang suspek na si alyas “Buboy”, nakatanggap na ng impormasyon ang mga tauhan ni Navotas City Police Chief P/Col. Mario Cortes hinggil […]