Online scams talamak, publiko mag-ingat – DILG
- Published on December 30, 2023
- by @peoplesbalita
PINAG-IINGAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko sa patuloy na pagdami ng mga online scams ngayong holiday season.
Sa pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos, pinayuhan nito ang publiko na manatiling alerto laban sa online scams na mananamantala ng mga mamimili o consumers.
Ani Abalos, maaaring i-report ang online scams sa pamamagitan ng website na www.scamwatchpilipinas.com. na bagong website kung saan madaling maipapaabot ang reklamo ng direkta sa Inter-agency Response Center (I-ARC) ng gobyerno na pinapatakbo ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center.
Dito rin makikita sa homepage ang hotline number na 1326 na maaaring tawagan para i-report ang online scams o sa pamamagitan ng pag-click ng messenger button sa pamamagitan ng Cybercrime Investigation & Coordinating Center messenger.
Ang I-ARC na nasa National Cybercrime Hub ay isang task force na binuo para maging sentralisado ang pag-uulat ng cybercrime sa gobyerno na kinabibilangan ng National Privacy Commission (NPC), National Telecommunications Commission (NTC), Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at National Bureau of Investigation Cybercrime Division bilang enforcement arm.
Dagdag pa ni Abalos, kailangan din aniya ang kooperasyon ng mga consumers upang mahuli at makasuhan ang mga scammers na patuloy sa pagdami at hindi alintana ang panlalamang at panloloko sa publiko.
Ang mga verified complaints lamang ang kanilang mga aaksiyunan upang tuluy-tuloy na masampahan sa korte at maipakulong.
-
Ads December 12, 2020
-
“WEDNESDAY’S” JENNA ORTEGA TAKES A NEW STAB AT HORROR IN “SCREAM VI”
TEEN sensation Jenna Ortega broke away from the pack when she starred in 2022’s Scream and in the Netflix series Wednesday which nabbed the Netflix record for most watched series and recently announced the Season 2 pickup. For her performance Ortega was individually nominated for a 2023 Golden Globe award in the category of Best Television Actress […]
-
Caloocan Hospitals nagbigay ng libreng serbisyo sa kababaihan sa buong buwan ng October
NAGLUNSAD ang Caloocan City Medical Center (CCMC) at Caloocan City North Medical Center (CCNMC) ng libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga kababaihan sa buong buwan ng October bilang pakikiisa sa pandaigdigang pagdiriwang ng Breast Cancer Awareness Month. Ang nasabing mga serbisyo ay iaalok araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes, kabilang ang breast at pregnancy […]