• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Online seller 2 pa, kulong sa P600-K halaga ng droga

TATLONG hinihinalang drug pushers, kabilang ang isang online seller ang arestado matapos makumpiskahan ng higit P.6 milyon halaga ng shabu at marijuana sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-2:40 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforce- ment Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy-bust operation kontra kay Leanard Angcog, 22, na kanilang target sa Perpetua St. Brgy. 27.

 

Nang tanggapin ni Angcog, kasama si Joseph Angelo Pertis, 23, online seller ang marked money mula sa isang undercover pulis na nagpanggap na poseur- buyer kapalit ng isang medium plastic bag ng pinatuyong dahon ng marijuana ay agad silang inaresto ng mga operatiba.

 

Nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 415 gramo ng pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana with fruiting tops na nasa P83, 000 ang halaga, 8 gramo ng high-grade marijuana “Kush” na nasa P12, 240 ang halaga at P7,000 buy-bust money kabilang ang isang P1,000 bill at 6 pcs P1,000 fake boodle/ money.

 

Alas-11:50 naman ng gabi nang madamba din ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Cabildo ang buy-bust operation kontra sa suspek sa C3 Road, A. Mabini St. Brgy. 23 si Jaycee Cuevas alyas Esse, 31, (watch listed) matapos bentahan ng P10,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

Nakuha sa suspek ang aabot sa 75 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P510,000 ang halaga, isang P1,000 bill na nakabugkos sa 9 pcs P1,000 fake/ boodle money na ginamit bilang buy-bust money at isang Chinese foil tea bag.

 

Pinuri naman ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang Caloocan Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Menor dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga nagpapakalat ng ilegal na droga. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads March 25, 2021

  • Mga Pinoy cue artists pasok na sa 2nd round ng US Open Pool Championship

    Pasok na sa ikalawang round ng US Open Pool Championship ang mga billiard players ng bansa.     Pinangunahan ni Dennis Orcollo at Carlos Biado at pitong iba pang Filipino ang pag-usad sa ikalawang round ng torneyo na ginaganap sa Harrah’s Resort sa Atlantic City, New Jersey.     Unang tinalo ng Asian gold medalist […]

  • Bodega na nag-display ng Chinese Flag; ipinasara ng Valenzuela LGU

    IPINAG-UTOS ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sa pamamagitan ng pagrekomenda ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang agarang pagpapasara at pag-iimbestiga sa bodega sa Barangay Bignay na nag-display ng banyagang bandila dahil sa ilang mga paglabag ng kumpanya.       Sa kanilang inspeksyon at pagsisiyasat, natuklasan ng BPLO na ang STR Power […]