Onyok bibigyan ng Malacañang ng P500K
- Published on August 13, 2021
- by @peoplesbalita
Kung hindi pa siya naglabas ng sama ng loob ay saka pa lamang maaaksyunan ang kanyang reklamo.
Bibigyan ng Office of the President si 1996 Olympic Games silver medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco Jr. ng cash incentive na P500,000 para sa kanyang naibigay na karangalan sa bansa.
Si Senate Committee on Sports chairman Sen. Bong Go ang gumawa ng paraan para maiparating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hinaing ng 47-anyos na si Velasco.
“Sa panahon ni Pangulong Duterte, binibigyan natin ng importansya, suporta, at insentibo ang mga atleta natin lalo na yung mga nagtatagumpay sa Olympics ngayon,” sabi kahapon ni Go.
Ipinarating ni Velasco, isa nang part-time comedian at television personality, ang kanyang reklamo sa ilang interview sa gitna ng kampanya nina Olympic silver medal winners Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze medalist Eumir Felix Marcial sa Tokyo Games.
Ang kanyang kuyang si Nolito ‘Boy’ Velasco ang tumulong kay Petecio sa featherweight division ng Tokyo Olympics pati na kay flyweight Irish Magno na hindi nanalo ng medalya.
Matapos kunin ang silver medal noong 1996 Atlanta Olympics ay pinangakuan si Velasco ng Kongeso ng P2.5 milyon na hanggang ngayon ay hindi pa niya natatanggap.
Isang negosyante naman ang nangako sa kanya ng lifetime allowance na P10,000 kada buwan na nahinto matapos ang isang taon habang hindi rin nangyari ang pagbibigay ng Philippine Navy ng scholarships sa dalawang anak.
-
Na-diagnose noong 2016 na may Alzheimer’s disease: Legendary crooner na si TONY BENNETT, pumanaw na sa edad na 96
BIBIDA si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa month-long special ng #MPK o Magpakailanman. Si Alden ang unang aktor na mabigyan ng four episodes ng MPK sa buong buwan ng August. Unang episode ay “A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story” na mapapanood sa August 5. Tungkol sa runner […]
-
Pacquiao nasa huling linggo na ng training camp sa Hollywood, California
Nasa huling linggo na ng kanyang training camp si Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California, bago ang big fight sa August 22. Aminado ang Hall of Famer coach na si Freddie Roach na hindi na siya nagulat na sa ead na 42-anyos ngayon ng Pinoy ring icon, ito pa rin […]
-
Ads January 26, 2021