• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Onyok pinayuhan ang 4 Olympic medalists

Imbes na makuntento sa nakamit na Olympic Games medals ay dapat pang magpursige sina weightlifter Hidilyn Diaz at boxers Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial.

 

 

Ito ang payo ni 1996 Atlanta Olympics silver medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco  Jr. kina Diaz, Petecio, Paalam at Marcial na tatanggap ng milyones dahil sa kanilang pagko­lekta ng apat na medalya sa Tokyo Games.

 

 

“Tuluy-tuloy lang din at huwag ninyong isipin na may pera na kayo, huwag ninyong isipin na mayaman na kayo,” ani ng 47-anyos na dating amateur boxer. “Isipin ninyo na back to normal ulit, back to zero ka ulit para iyong pagkauhaw mo sa medalya nandoon pa rin.”

 

 

Tinapos ni Diaz ang 97 taon na paghihintay ng Pinas sa kauna-unahang Olympic gold medal nang magreyna sa women’s 55-kilogram division ng Tokyo Games weightlifting competition.

 

 

Kapwa naman sumuntok ng silver medal sina Petecio at Paalam sa women’s featherweight at men’s flyweight classes, ayon sa pagkakasunod at nag-ambag ng bronze si Marcial sa men’s middleweight.

Other News
  • Stephen Curry, muling gumawa ng record sa panalo ng GS kontra Bucks

    MULING gumawa ng kasaysayan si NBA superstar Stephen Curry sa panalo ng Golden State Warriors kontra Milwaukee Bucks, 125 – 111. Sa naturang laban ay kumamada si Curry ng 38 big points at anim na rebounds. Ito ang ika-apat na magkakasunod na 30-point game ni Steph. Dahil dito, sasamahan ni Curry sina LeBron James, Michael Jordan, […]

  • Ads November 24, 2021

  • Marcoses, dapat papanagutin para sa pagkamatay at pang-aapi kay Ninoy — Aquino family

    NANINIWALA ang pamilya Aquino na dapat papanagutin ang mga Marcoses para sa pagkamatay at pang-aapi sa pinaslang na si dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. 41 taon na ang nakalilipas.       Ang pahayag na ito ng pamilya Aquino ay itinaon sa 92nd birth anniversary ni Ninoy, araw ng Miyerkules, Nov. 27, at isang […]