• May 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Opening ng WNBL, NBL pag-aaralan pa – Mercado

IPINASYA ng Women’s National Basketball League (WNBL) at National Basketball League (NBL) na ipagpaliban muna ang planong 2021 season opening pagkatapos ng Holy Week.

 

 

Sa pahayag ng dalawang liga nitong isang araw lang, ipapalabas na lang ang bagong petsa  sa pagbubukas nito para na rin sa kaligtasan mula ng lahat sanhi nang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at kanunog n itong Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.

 

 

Kaugnay nito, bumalangkas si WNBL/NBL chairman Celso Mercado ng isang ad-hoc committee kung saan mga kasapi nito ang executives ng mga kalahok na team sa dalawang liga na may mga puwestong pampubliko rin sa kani-kanilang mga Local Government Unit (LGU) para sa monitong ng pandemya.

 

 

Itinaas sa loob isang lingggo ang Metro Manila, Cavite, Bulacan, Rizal, at Laguna sa ilalim ng NCR+ GCQ (general community quarantine) noong Marso 22 at matatapos sa Abril 4. (REC)

Other News
  • Matapos ihayag ni PBBM na ibi-veto ang bill… 7 senador atras sa Anti-teenage Pregnancy Bill

    MATAPOS ihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibi-veto ang anti-teenage pregnancy bill, pitong senador ang umatras sa pagsuporta sa panukala. Ito ay sina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Senators Loren Legarda, Bong Revilla Jr., Senators Bong Go, JV Ejercito, Cynthia Villar at Nancy Binay. Nauna rito, nagpahayag ng pag-aalala si Pangulong Marcos kaugnay […]

  • Navigating Corporate Social Responsibility: A Balanced Approach

    Corporate Social Responsibility (CSR) is more than just business philanthropy. More than a strategic approach that businesses adopt to ensure a positive impact on society, it shows that behind every business are humans that embody an organization’s values and objectives. This blog explores the multifaceted concept of CSR, delving into its historical evolution, the business […]

  • DOH, hinikayat ang publiko na ” to stay cool, hydrated” sa gitna ng nagpapatuloy na matinding init ng panahon

    ANG paghahanap ng mga praktikal na paraan para manatiling “cool at hydrated” ay makatutulong sa publiko habang nagpapatuloy ang mainit na panahon hanggang sa susunod na buwan.     Sa press briefing ng Task Force El Niño, binigyang-diin ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang kahalagahan ng pananatiling “hydrated.”     Kaya nga, mabilis na nagpayo […]