Operasyon ng ABS-CBN, tuloy kahit mapaso ang prangkisa – NTC
- Published on March 11, 2020
- by @peoplesbalita
Binigyang katiyakan ng National Telecommunications Commission (NTC) na makakapag-operate ang TV Giant ABS-CBN kahit pa man mapaso na sa Mayo 4, 2020 ang kanilang legislatve franchise.
Ang pagtiyak ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa mga mambabatas sa isinagawang pulong ng House Committee on Legislative Franchises kung saan inilatag ang magiging ground rules sa pagdinig ng mga petisyon para sa ABS-CBN legislatve franchise renewal.
“The NTC will follow the latest advice of the DOJ and let ABS-CBN continue operations based on equity. We will likely issue a provisional authority to the broadcast company,” ayon kay Cordoba.
Aniya, humingi sila ng opinyon sa Department of Justice (DOJ) patungkol sa pagbibigay ng provisional authority sa ABS-CBN at naging positibo ang sagot dito ng ahensya.
“Based on the foregoing discussion, there is sufficient equitable basis to allow broadcast entities to continue operating while the bills for the renewal of their respective franchise remain pending with Congress,” paliwanag ni Cordoba sa naging desisyon ng Department of Justice (DoJ).
Tumanggi naman si Cordoba na talakayin ang ilang legal matters dahil sa umiiral na sub-judice rule bunsod ng nakatakdang pagtalakay ng Korte Suprema sa quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor Genera.
Sa naging pulong ng komite ay napagdesisyunan naman na mayroon hanggang Abril 15, 2020 ang mga mambabatas na magsumite ng kanilang position papers kung ito ay pabor o tutol sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Bagama’t wala pang itinakdang petsa para sa susunod na pagdinig, una nang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na maaaring sa darating na buwan ng Mayo na ito isasagawa.
Kahapon (Martes) ang huling sesyon ng Kongreso para sa kanilang Lenten break at sila’y magbabalik sesyon sa Mayo 4. (Ara Romero)
-
Alex Eala pinaghahandaan ang ilang mga torneong lalahukan sa susunod na taon
MAY mga malalaking torneo na pinaghahandaan si Pinay tennis star Alex Eala sa susunod na taon. Sinabi nito na sa buwan ng Enero ay agad itong magsasagawa ng ensayo bilang paghahanda sa ilang torneo. Sa huling torneo na sinalihan niya ngayong taon ay ang W100 Tournament sa Dubai kung saan umabot lamang […]
-
Let the games begin! AARANGKADA na ang tinaguriang ‘the biggest show on earth’ tampok ang matitikas na atleta mula sa iba’t ibang mundo na magbabakbakan sa 2024 Paris Olympics.
Isang engrandeng palabas ang inaasahang ilalatag ng host France sa programang magsisimula sa alas-7:30 ng gabi (ala-1:30 ng madaling araw sa Maynila). Ito ang unang pagkakataon na idaraos ang opening ceremony ng Olympic Games sa labas ng isang Olympic stadium dahil gaganapin ito sa pamosong Seine River. Aabangan ng sambayanan […]
-
ENVIRONMENT GROUP NAGPROTESTA KONTRA SA DOLOMITE DUMPING
IGINIIT ng ilang environmental group ang pagpapatigil sa pagtatambak ng dolomite sa may 500 metro ng Baywalk sa Manila Bay. Dakong alas-8:00 ng umaga nang magsagawa ng kilos protesta ang ilang kinatawan ng Pamalakaya, Nilad, Manila Baywatch, at Baseco Peoples’ Alliance. Bitbit ang mga placards na nagsasasaad “Rehabilitasyon sa Manila Bay,hindi white sand” , ” […]