Operasyon ng mga power generation plant sa Albay, nananatiling normal – Malakanyang
- Published on June 21, 2023
- by @peoplesbalita
NANANATILING normal ang operasyon ng mga power generation plant sa lalawigan ng Albay.
Sinabi ng Presidential Communications Office, (PCO), wala namang problemang naiulat pa sa ngayon sa Albay kung pag- uusapan ay power supply.
Sa katunayan aniya ay normal ang operasyon ng Tiwi Geothermal plant at ang Bac-man geothermal power plant.
Base sa tinatanggap na ulat ng PCO mula sa Department of Energy (DoE) ay maayos din ang power distribution sa probinsiya.
Sa kabila ng nagkaroon ng power interruption sa Anislag Elementary school na ginagamit na evacuation center, kaagad naman aniyang naibalik ang suplay ng kuryente.
Nabatid na “busted transformer” ang sanhi ng brown out dahil sa overloading.
Samantala, maliban dito ay wala na namang nireport pang insidente ng brown out sa ibang bahagi ng lalawigan. (Ara Romero)
-
Para sa movie na ‘When The Waves Are Gone’: JOHN LLOYD, nominated for Best Performance sa ’15th Asia Pacific Screen Awards’
PINAMALAS ni Rere Madrid ang kanyang alindog sa nakaraang Halloween Party ng Sparkle GMA Artist Center na ‘The Sparkle Spell’ dahil ang napili niya ay Marimar costume. Natakpan ang dibdib ni Rere ng mga perlas at super backless siya. Suot din niya ang white skirt na may slit para makumpleto ang Thalia look […]
-
ANDREW E., umaming nagka-kinang at tibay ang pangalan dahil kina MARICEL at SHARON
ANG original song ni Andrew E. na 18 years ago na ay naging hit TikTok trend sa netizens, kaya naisipan ni Boss Vic del Rosario na gawin ito na VIVAMAX original movie. Ang SHOOT! SHOOT!: DI KO SIYA TITIGILAN! ang latest movie collaboration ng comedy director na si Al Tantay (Pakboys: Takusa at […]
-
KRIS, napapatanong sa sarili kung ‘kaya ko pa ba?’
SA latest Instagram post ni Kris Aquino ay napapatanong sa sarili kung ‘KAYA KO PA BA?’ Na patuloy na lumaban sa kanyang mga sakit dahil wala na nga siyang panlaban sa kahit anong viral or bacterial infection kaya nasa isolation room siya. Panimula ni Kris sa mahabang post, “Exactly 2 weeks […]