• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Operasyon ng MRT 3 hinto muna

Hinto muna ang operasyon simula kahapon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID 19 na may naitalang186 workers ang infected.

 

Sinabi ng management ng MRT 3 na baka sakaling hanggang Sabado pa abutin ang pagsasara ng nasabing rail line.

 

“The shutdown may be extended or shortened. A sufficient number of MRT personnel must be cleared of the virus to be able to return to work,” ayon sa MRT3.

 

Ang Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infections Diseases ang siyang nagbigyan ng recommendation para sa pansamantalang paghinto ng operasyon ng MRT 3.

 

May 169 na depot personnel at 17 ticket sellers, train drivers, control center personnel at 1 nurse ang may COVID 19.

 

Angnasabing ticket sellers na may COVID 19 ay nakatalaga sa Cubao at North Avenue stations.

 

“Out of 1,300 MRT 3 employees who returned to work last month when the rail line resumed operations after quarantine, 964 have been found negative from the virus,” sabini Assistant Secretary GoddesLibiran.

 

Dagdag pa ng management na ang pagsasara ng operasyon ng MRT 3 ay upang magbigay daan rin sa pagsasailalim sa swab testing ng iba pang MRT 3 personnel kasama na ang maintenance workers, upang maiwasan ang pagkalat ng virus at masiguro ang kalusugan ng mga pasahero.

 

Dahil limitado ang bilang ng mga trains at mga pasahero noong Lunes, nakaranas ang mga pasahero ng mahabang pila sa North Avenue station sa Quezon City.

 

Ayon pa rinsa MRT3 management, ang mga pasaherong maaapektuhan ng pansamantalang pagsasara ng MRT ay maaari naming gumamit at sumakaysa EDSA Busway.

 

Sinabi naman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na naglabas sila ng  190 buses sa kahabaan ng EDSA simula kahapon upang mag pick-up at drop-off ng mga pasahero sa mga designated bus stops sa pagitan ng Monumento at Quezon Avenue, Light Rail Transit Line 1 Balintawak station, Kaingin Road, LRT 1 Munoz station, MRT 3 North Avenue at MRT 3 Quezon Avenue stations.

 

Magdaragdag pa rin ng 90 buses ang Department of Transportation (DOTr) na payagan magbaba ng pasahero sa median lane stops sa EDSA.  (LASACMAR)

 

Other News
  • Para personal na makapagpasalamat sa naitulong… ROBIN, nangakong dadalawin si KRIS kasama si MARIEL ‘pag nagka-visa na

    LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Senator-elect Robin Padilla sa kanyang kaibigan na si Queen of All Media Kris Aquino na patuloy na nakikipaglaban sa malubha nitong karamdaman.   Sa Facebook post ng Senador, ini-reveal na malaki raw ang naibigay na tulong at suporta ng dating leading lady sa pelikula sa nagdaang May 9 national elections.   […]

  • Humanga rin sa action scenes ni Angeli: RURU, pinuri ang pagganap ni CHANDA bilang pangulo

    OVERWHELMED sa tuwa ang Kapuso comedian na si Boobay dahil kabilang siya sa mga biggest and brightest stars na pumirma sa Sparkle sa Signed for Stardom 2024 noong May 16.         Matapos ang event, hindi pa rin makapaniwala si Boobay sa kanyang bagong chapter bilang official na Sparkle star.       […]

  • Bunsod ng patuloy na umiigting na pag-atake ng Russia: Mas marami pang Pinoy, dumating sa Pinas mula Ukraine

    DUMATING na sa PIlipinas, araw ng Linggo ang mas marami pang Filipino at kanilang dependents mula Ukraine.     Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may “4 Filipino adults, 3 Filipino-Ukrainian children at kanilang Ukranian mothers” ang dumating sa Pilipinas, araw ng Linggo via Qatar Airlines flight.     Ang […]