• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OPISYAL NG COAST GUARD PATAY SA COVID

NAGLULUKSA ngayon ang buong pamunuan ng Philippine Coast Guard PCG) sa pagpanaw ng isang opisyal nito dahil sa COVID-19.

 

 

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PCG sa pangunguna ni  PCG Commandant, CG Admiral George V Ursabia Jr sa naulilang pamilya ni CG Admiral Reuben S.Lista

 

 

Ayon kay Ursabia, ang kanyang liderato sa  Philippine maritime industry, partikular sa kanyang dedikasyon sa serbisyo publiko kung saan tumaas ang kanyang ranggo ay laging maalala.

 

 

Pinamunuan nito ang major PCG units, kabilang ang  Marine Environmental Protection Command at ilang  Coast Guard Districts sa ibat-ibang rehiyon sa buong bansa.

 

 

Nagsilbi din itong  Deputy Commandant for Administration bago naitqlaga bilang  ika-16th Commandant ng  PCG mula 2001 hanggang 2003.

 

 

Kalaunan ay sumali siya sa  Philippine National Oil Corporation (PNOC) bilang Chairman at  CEO.

 

 

Bahagi rin si Admiral Lusta sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) Class 1969 at kinokonsidera bilang isang “most decorated PMMA graduates ” na naglilingkos sa Philippine Navy (PN) at  PCG. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 4 na oras sa burol, 4 na oras sa libing ni baby River ibinigay ng korte kay Nasino

    WALONG oras ang ibinigay ng Manila Regional Trial Court ,Branch 47, sa aktibistang si Reina Mae Nasino para masilip at makapiling ang kanyang nasawing anak sa burol nito at sa nakatakdang libing sa Manila North Cemetery sa Oktubre 16,2020 sa Maynila.   Sa dalawang pahinang order ni Manila RTC,Br.47 Presiding Judge Paulino Gallejos, si Nasino […]

  • PDu30, hindi naniniwalang babalewalain ng Comelec ang “rules’ sa ballot printing

    KUMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi babalewalain at isasantabi ng Commission on Elections (Comelec) ang mga alituntunin sa pagbubukas ng ballot printing sa election observation groups.     “I do not believe it because itong Comelec naman ang mga tao diyan ay kilala ko lahat ,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging panayam […]

  • Maria Ressa ‘abswelto’ sa 4 na tax evasion cases — korte

    INABSWELTO ng First Division ng Court of Tax Appeals si Rappler CEO Maria Ressa at Rappler Holdings Corp. sa apat na kaso ng tax violations na inihain pa noong 2018.     Miyerkules nang ibaba ng CA ang hatol sa Nobel Laureate at RHC tungkol sa mga kasong nakabinbin pa simula noong nakaraang administrasyon ni […]