• February 9, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Oplan baklas, maagang ipinatupad sa Quezon City

PUSPUSAN ang isinasagawang Oplan Baklas ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Quezon City upang mabawasan ang maling paglalagay ng mga election paraphernalia sa kanilang lugar.
Sinuyod ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety at Traffic and Transport Management Department ang mga lugar sa CP Garcia, Katipunan Avenue, Xavierville, East Avenue, Tomas Morato, Kamuning, Timog, Anonas, at E. Rodriguez ngayong araw.
Muling ipinaalala ng lokal na pamahalaan na bawal ang pagkakabit ng election materials sa mga poste ng kuryente, pampublikong kagamitan at pasilidad tulad ng street signs, traffic lights, signal posts, tulay, at mga overpass sa lungsod.
Magpapatuloy umano ito hanggang sa pagpasok ng campaign period.
Pinaburan naman ng Comelec ang hakbang na ito ng QC LGU dahil sila man ay nananawagan ng responsableng paglalagay ng posters, maging ito man ay mula sa politiko, ads ng kompaniya, promo o anumang aktibidad.
Other News
  • Maging ‘aware sa umiiral, umuusbong na mga banta

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 39 na newly promoted officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging aware sa umiiral at lumilitaw na banta laban sa bansa.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang oath-taking ceremony ng mga newly promoted AFP generals at flag officers, sinabi ni Pangulong […]

  • Maging alerto vs COVID-19 ngayong Semana Santa – DOH

    NANAWAGAN ang Department of Health (DOH) sa lahat ng Pilipino na panatilihin ang pagsunod sa ‘minimum public health standards’ sa paggunita sa Semana Santa at ipinaalala na nananatili pa rin ang COVID-19 sa bansa.     Kabilang sa ibinilin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay ang palagiang pagsusuot ng face mask, isolation kapag nakaramdam […]

  • Isang welcome evolution na tingnan ang Europa para sa security alliance- PBBM

    SINABI ni  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na hindi tradisyonal para sa gobyerno ng Pilipinas na tingnan ang Europa para sa “security partnerships at alliances.”     Ito’y matapos na mag-courtesy call si  United Kingdom Foreign Secretary James Cleverly kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.     Dumalo at nakiisa rin sa courtesy call sina  […]