• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ORDINANSA NA TUTUGON SA PROBLEMA NG MALNUTRISYON SA MGA BATA SA MAYNILA, NASA IKATLONG PAGBASA NA

IPINASA ng Konseho ng Lungsod ng Maynila sa Ikatlong Pagbasa ang lokal na bersyon ng Republic Act 11037 o ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act na naglalayong tugunan ang problema ng malnutrisyon sa mga bata sa isinagawang regular na sesyon nitong Mayo 25.

 

 

Ang panukala, na tatawaging Masustansyang Pagkain para sa Batang Maynila Ordinance, ay magtatatag ng Manila City Local Feeding Program sa mga daycare center at pampublikong paaralan, na nagbibigay ng hindi bababa sa isang fortified meal araw-araw, sa loob ng 120 araw o higit pa bawat taon, sa mga batang kulang sa nutrisyon.

 

 

Ang programa ay popondohan sa bahagi ng Special Education Fund ng lungsod at ipatutupad ng Manila Department of Social Welfare, sa pakikipag-ugnayan sa City Health Department at mga ahensya ng pambansang pamahalaan, partikular na ang Department of Education at Department of Social Welfare and Development.

 

 

“Giving good nutrition to a child early in life is essential to his or her future health”, paliwanag ni 4th District Councilor Louisito “Doc Louie” Chua, punong may-akda ng Ordinansa.

 

 

“Most children eat just to satisfy their hunger, without proper regard to their food’s nutritional value”, dagdag pa ni Chua, na isang medikal na doktor ayon sa propesyon.

 

 

Nabatid na marami sa karaniwang sakit ngayon, tulad ng labis na katabaan, ay nauugnay sa malnutrisyon. Ang mga bata ay nasa mas malaking panganib ng malnutrisyon, dahil mayroon silang mas malaking pangangailangan sa nutrisyon kaysa sa mga matatanda.

 

 

Suportado naman ng iba pang konsehal ang panukalang pangkalusugan kung saan ibinahagi pa ng ilan ang kanilang mga masasayang alaala sa mga feeding program na nakinabang nila noong bata pa sila. Isa sa mga nakaalala nito ay si Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto kung saan maging siya ay nabenipisyuhan ng nutribun at gatas noong nasa grade school pa lamang ito.

 

 

Ang programa ay inaasahang magiging bahagi ng kampanya ni Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na magbigay ng tulong sa mga mahihirap na residente ng Maynila.  (JAY REYES)

Other News
  • PBBM, nakatakdang makipag-usap kay ex-Sen. De Lima matapos ma-hostage ang senadora

    KASUNOD ng pangho-hostage kay dating Sen. Leila de Lima, inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na nakatakda itong makipag-usap sa senadora.     Tatanungin daw ni Marcos sa senadora kung gusto nitong mailipat sa ibang detention center.     Kasunod nito, inatasan din ng Pangulong Marcos ang mga otoridad sa Camp Crame na magpatupad ng […]

  • Public viewing kay ex-Pres. Aquino isinagawa sa Ateneo

    Isinagawa ng pamilya Aquino ang public viewing para kay dating Pangulong Benigno S. Aquino III sa Ateneo de Manila University (ADMU) mula 10:00 a.m at 10:00 pm sa kahapon, Biyernes Hunyo 25.     Sinabi ng nakakabatang kapatid ng dating pangulo na si Kris na matapos ma-cremate ang bangkay ng kapatid ay dinala ito sa […]

  • Babalik din ng France para sa isang dance competition: BILLY, certified Kapuso na uli at muling magho-host ng ‘The Wall PH’

    SA pag-attend ni Billy Crawford kasama ang beautiful wife na si Coleen Garcia sa Thanksgiving Gala ng GMA Network na ginanap noong Sabado nang gabi sa Taguig City, nakumpirma na tuloy na tuloy na nga ang pagiging Kapuso niya.     Balik-GMA Network na nga ang dating Kapamilya star dahil siya pa rin ang napiling […]