• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Overwhelmed sa mga papuring natatanggap: JAKE, sobrang tapang kaya ‘di matatawaran ang pagiging aktor

HINDI talaga matatawaran ang pagiging isang ‘actor’ ng isang Jake Cuenca. 

 

 

Talagang siya ‘yung tipo ng artista na napaka-seryoso sa kanyang propesyon. Never na nagpa-petiks-petiks.

 

 

Bukod dito, siya rin ang actor sa mga kasabayan na lang niya na napakatapang. Kung tinatanggihan ng iba, si Jake, niyayakap niya ang mga roles na pwedeng “taboo” o hindi talaga kayang gawin ng iba.

 

 

Nakikita namin ang dahilan ni Jake kung bakit katulad na lang sa 2022 Metro Manila Film Festival entry niya under 3:16 Media Networks at Mentorque Productions, ang “My Father, Myself,” sobrang in-embrace ni Jake ang kanyang character bilang pamilyadong tao, pero closet gay pala. 

 

 

Ang mga intimate scenes nila ni Sean de Guzman, ang dahilan, “he is an actor.” Yun lang, period.

 

 

Palagi naming sinasabi na sana, si Jake ang mag-uwi ng Best Actor trophy for this year’s MMFF dahil deserve na deserve niya. 

 

 

Mas lalo pa namin itong nasabi nang mapanood na namin ang “My Father, Myself” na dinirek ni Direk Joel Lamangan sa premiere night.

 

 

Sa isang banda, overwhelmed si Jake na first time na napanood ang  ginawa at sa mga nakukuhang reaksiyon mula sa mga nanoood ng premiere night.

 

 

Sabi ni Jake, “Hindi ko alam kung magagalit. Hindi ko alam kung tatanggapin nila ‘to. Hindi ko alam kung magugustuhan nila. 

 

 

“Pero kita niyo naman no’ng matapos ang movie, nagpalakpakan ang mga tao, nagsisigawan ng Best Actor, so for me, sobrang nakaka-overwhelmed ng feeling.”

 

 

***

 

 

 

MARUNONG talagang sumagot at humarap ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez sa kahit sinong mga bashers o netizens na uma-attack sa kanya.

 

 

 

Pinagdaanan na rin yata ni Janine ang iba’t-ibang bashers. Merong tungkol sa mga political views niya, networks, lovelife at iba pa.

 

 

 

Pero this time, who would thought na bukod sa ganda ay ang kaseksihan naman ni Janine ang makukuwestiyon.

 

 

 

May gustong mag-body shaming sa actress. Sinabihan siya na malaki at tiyan at kinuwestiyon kung buntis daw ba siya.

 

 

Maganda ang sagot ni Janine na very matter-of-fact talaga. Sey niya sa netizen, “PMS bloat actually and I’ve been holiday eating since wala pang taping. It’s okay to enjoy the off season.  

 

 

“Diet na ulit after Christmas.  Sana masarap din kain mo this December.”

 

(ROSE GARCIA)
Other News
  • 2 timbog sa baril at droga sa Malabon, Navotas

    Kulong ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos masakote sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas cities.     Dakong alas-5:35 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua sa ilalim ng pangangasiwa ni […]

  • Pinas, nakikitang magiging 27th largest economy sa buong mundo sa 2037

    NAKIKITANG tataas ang paglago ng ekonomiya ng bansa at makokopo ang 27th spot bilang biggest economy sa buong mundo sa 2037. Sa World Economic League Table (WELT) 2023 ng Centre for Economics and Business Research (CEBR), ang pagtataya sa ulat, ang Pilipinas ay tatalon ng 11 notches sa rankings, magmumula sa electronics manufacturing sector. “The […]

  • Landbank, nag-remit ng P50B para sa Maharlika fund

    NAG-REMIT ang state-owned Land Bank of the Philippines sa Bureau of the Treasury (BTr) ng mandatory contribution nito para sa initial capital ng Maharlika Investment Fund (MIF) .      Ang MIF ang “very first sovereign wealth fund” ng bansa.     Sinabi ng Landbank na nag-remit o nag-entrega ito sa BTr ng P50-billion contribution para sa Maharlika […]