• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P-Noy may sariling commemorative stamp

Ginawan na ng commemorative stamps ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang namayapang dating Pangulong Benigno Aquino III.

 

 

Sinabi ni PHLPost chairman Norman Fulgencio na ang postage ay sumisimbolo ng pagkakaisa, respeto, pagmamahal sa bansa at pag-aalala sa isa’t-isa anumang lahi o paniniwala.

 

 

Dagdag pa nito na noong pumanaw ang dating pangulo ay isinantabi ang pulitika at buong bansa ay nagdalamhati.

 

 

Ang nasabing munting selyo ay magpapaalala sa pagmamahal at pagmamalasakit ni President Aquino sa bayan.

 

 

Mabibili ang commemorative stamp sa halagang P480 kada sheet.

 

 

Naging representative naman ng Aquino family si Malabon Mayor Lenlen Oreta na itinuturing paboritong pinsan ng pangulo dahil hindi nakadalo ang mga kapatid ng pangulo bunsod ng COVID-19 protocols.

Other News
  • Nag-celebrate na sila ng second wedding anniversary: SARAH, kitang-kita na sobrang happy at wini-wish na magka-baby na sila ni MATTEO

    NAG-CELEBRATE na last Sunday, February 20 ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ng kanilang second wedding anniversary.     Minarkahan ng 31-year-old hunk actor ang isa pang milestone nila bilang mag-asawa ng tinaguriang Popstar Royalty sa pamamagitan ng nakakakilig na series of photos sa kanyang IG post.     Ikinasal noong February 20, 2020 […]

  • Lithuanian player tumutulong sa Gilas

    MALAKING  tulong para sa Gilas Pilipinas ang mga payo ni dating Lithuanian player Virginius Sirvydis na tumutulong sa training camp ng tropa sa Kaunas, Lithuania. Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, malaki ang kontribusyon ni Sirvydis na may mga puntong ibinibigay para mas lalong mapalakas ang Pinoy cagers para sa FIBA World Cup. […]

  • PNP, nagbabala ng mas mabigat na parusa sa mga gagamit ng pekeng vaccine cards

    NAGBABALA ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay ng paggamit ng pekeng vaccination card at ang pagpuslit sa mga border control.     Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, haharap sa mas mabigat na parusa ang mga mahuhuling lalabag sa naturang panuntunan ng ating pamahalaan kabilang na riyan ang pagkakakulong.     […]