P1.28 BILYON HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA BUY BUST SA CAVITE
- Published on October 2, 2021
- by @peoplesbalita
UMABOT sa P1.28 bilyon halaga ng shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto mg tatlong hinihinalang tulak sa isinagawang buy bust operation Biyernes ng umaga.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jorlan San Jose , 26, may-asawa; Joseph Maurin, 38 at Joan Lumanog , 27, dalaga at pawang residente ng Dominorig, Talatag Bukidnon
Sa ulat, dakong alas-6:40 kahapon ng umaga nang nagsagawa ng buy bust operation sa Block 16 Lot 9 Manager Drive Executive1, Brgy Molino 3 Bacoor City, Cavite ng pinagsamang puwersa ng PDEA Cavite, PDEA IIS, PDEA SES, AFP Task Force Noah, AFP SIF, NICA, BOC, PNP-DEG NCR, PNP-DEG SOU 4, Cavite Police Provincial Office at Bacoor MPS kung saan naaresto ang mga suspek.
Nakuha sa kanilang pag-iingat ang tinatayang 149 kilograms ng hinihinalang shabu na may street value na P1.0281 bilyon,buy bust miney na P1,000 at Nokua cellphone.
Kasong paglabag sa Sec 5 at 11, Art. II, RA 9165 ang isasampang kaso sa mga suspek. GENE ADSUARA
-
Ads August 3, 2024
-
KYLIE, kailangang magtrabaho para ‘di aasa sa iba lalo na sa estranged husband na si ALJUR na may AJ na
HINDI raw ikinapapagod ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young ang pagbiyahe from Manila to Subic and vice-versa dahil doon nila napagkasunduan na tumira pagkatapos nilang ikasal noong 2020. Kahit na under renovation pa ang bahay nila sa Subic, enjoy daw sa long road trip ang dalawa at palitan silang magmaneho kapag pagod […]
-
GINANG HULI SA PABAHAY SCAM
INARESTO sa isang entrapment operation ang isang 52-anyos na ginang matapos nangikil ng pera sa kanyang biktima kapalit ng isang unit ng bahay sa National Housing Authority (NHA) sa Naic, Cavite Lunes ng hapon sa Naic, Cavite. Kasong Estafa thru fraud ang kinakaharap ng suspek na si Jesusa Austral y Queyquet, may-asawa ng […]