• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1.4 B MRT 4 tuloy na

Nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Spain-based design consultant IDOM Consulting, Engineering, Architecture SA ang isang consultancy contract para sa detalying architectural at engineering design na itatayong Metro Rail Transit Line 4 (MRT4).

 

 

Ang kabuohang gastos para sa consultancy contract ay nagkakahalaga ng $28.967 million o tinatayang P1.4 billion sa peso. Mangangaling ang pondo mula sa Asian Development Bank (ADB)

 

 

“Aside from the preliminary, design, detailed engineering and tender design, IDOM will also prepare the financial and economical assessments as well as loan processing, project safeguards and bidding documents for the MRT 4 project,” wika ng DOTr.

 

 

Naatasan rin ang IDOM na alamin ang tamang mode ng transportasyon sa alignment at magbigay ng methodology sa ridership validation.

 

 

Sinimulan ang mobilization ng proyekto nang ang DOTr ay nagbigay sa IDOM ng notice of award noong September 17.

 

 

Ang MRT 4 ay isang proyektong mass transit system na siyang magsisilbing dugtong sa eastern part ng Metro Manila kasama rin ang may mataas na populasyon na bayan at ciudad tulad ng Antipolo, Cainta, Taytay, Binangonan, Tanay, at ibang pang lugar na malapit sa probinsiya ng Rizal.

 

 

“The railway will cut across the cities of Mandaluyong, San Juan, Quezon, Pasig as well as the municipalities of Cainta and Taytay in Rizal to address traffic woes and limited road capacities in the highly populated areas of eastern Metro Manila,” dagdag ng DOTr.

 

 

Ang nasabing proyekto ay makapagbibigay ng karagdagan trabaho, kabuhayan at negosyo sa mga Filipinos.

 

 

Inaasahang masisimulan ang pagtagtayo ng MRT 4 sa ikalawang quarter ng taong 2022. LASACMAR

Other News
  • DepEd, tinapyasan ng P12 bilyong pondo ng Kongreso

    IKINALUNGKOT ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang desisyon ng Kongreso na tapyasan ng P12 bilyon ang pondo ng kanilang departamento, sa ilalim ng 2025 General Appropriations Bill (GAB).       Ang kanyang kalungkutan ay isinapubliko ni Angara sa isang paskil sa kanyang X official account.     “Sad to learn that […]

  • Ex-NBA star Kevin Garnett, interesadong bilhin ang Minnesota Timberwolves

    Pinag-aaralan ngayon ni dating NBA superstar Kevin Garnett ang posibilidad ng pagbili sa franchise ng Minnesota Timberwolves kasama ang grupo ng mga investors.   Ito’y matapos na aminin ni Timberwolves owner Glen Taylor na kanya raw pinag-iisipan at sinusuri ang ilang mga opsyon kaugnay sa pagbenta sa kanyang koponan.   Sinabi pa ni Taylor na […]

  • PAOLO, nag-sorry sa lahat ng nadamay, lalo na kina LJ, AKI at SUMMER; YEN, inabswelto bilang ‘third party’

    ANG haba ng naging paliwanag ni Paolo Contis sa side of his story sa naging hiwalayan nila ni LJ Reyes.     Sa Instagram account nga niya at kinailangan pang 2 parts ang naging statement niya.     Inabswelto niya lalo na si Yen Santos na nababalitang third party. Humingi naman siya ng sorry sa […]