P1.7 bilyong shabu sa tea bag nakumpiska, 2 Chinese tiklo
- Published on July 5, 2022
- by @peoplesbalita
NAKAKUMPISKA ng 260 kilo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa tea packs at nagkakahalaga ng kabuuang P1.768 bilyon, ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa dalawang sabayang buy-bust operation sa Quezon City at Cavite kahapon.
Batay sa ulat ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, unang naaresto ang suspek na si Cai Jia Zhu alyas Anson Chua, 41, ng Durian St., Cuevas Ville Subdivision, Molino III, Bacoor, Cavite.
Ayon kay Regional Director Christian Frovaldo, ng PDEA-National Capital Region (NCR), dakong alas-10:30 ng umaga nang isagawa ang operasyon laban kay Chua, sa kahabaan ng Maria Clara St., sa Banawe, Quezon City.
Kaagad na inaresto ang suspek at nakumpiskahan ng 40 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P272 milyon, isang unit na android phone; dalawang COVID-19 vaccination ID; driver’s license, at isang Toyota Corolla.
Samantala, dakong alas-11:30 ng umaga naman nang maaresto ang suspek na si Hai Lin, 41, sa kanyang tahanan sa Fullana St. corner Soriano St., Avida Residences, Santa Catalina, Molino-Paliparan Road, sa Dasmariñas, Cavite.
Kaagad na inaresto si Lin na nakumpiskahan naman ng 220 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.496 bilyon, tatlong Unit na Android phone; isang analog na telepono; isang IOS phone; isang COVID-19 vaccination ID at driver’s license.
Ang mga suspek ay nakapiit na at kapwa sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
-
DA, tutulungan ang mga magsasaka na mapababa ang production cost
TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na tutulungan nito ang mga magsasaka na mapababa ang production costs, kinokonsiderang pangunahing dahilan sa pagtaas ng market price ng bigas. Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na masusi nang nakikipag-ugnayan ang departamento sa grupo ng mga rice farmers dahil na rin sa pagtaas ng presyo […]
-
Na-enjoy nang husto ang shooting nila sa Seoul… BARBIE at DAVID, halos pareho ang ‘di malilimutang eksena sa movie
NATANONG ang lead stars ng ’That Kind of Love’ na sina Barbie Forteza at David Licauco kung anu-ano ang hindi nila makakalimutang eksena na kinunan sa Seoul, South Korea? “Ang hindi ko makakalimutan na ginawa namin sa Korea, actually I like to add, kasama namin si Divine,” pagtukoy ni Barbie sa co-star nilang […]
-
Nadisgrasya ng paputok pumalo sa 75 bago Bagong Taon 2024 — DOH
NADAGDAGAN ng 23 ang kaso ng fireworks-related injuries sa bansa ilang araw bago magtapos ang taong 2023, ayon sa pinakahuling taya ng Department of Health (DOH). Sa 23 na bagong kaso, sinasabing edad 6-anyos hanggang 55 taong gulang ang mga nadisgrasya. Narito ang itsura ng mga biktima: lalaki: 20 babae: 3 naputukan sa […]