• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P10.5 bilyong budget ng Office of the President sa 2025 aprub agad sa loob ng 10 minuto

HINDI umabot ng 10 minuto ang ginawang pag-apruba ng Senate Finance Subcommittee sa panukalang P10.5 bilyon budget ng Office of the President para sa 2025.

 

 

Humarap sa Finance Subcommittee na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe si Executive Secretary Lucas Bersamin.

 

 

Ang panukalang budget ng tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa susunod na taon ay mas mababa ng 1.88% kaysa sa budget ngayong 2024.

 

 

Ipinunto ni Poe na ilan sa mga ehensiya na nasa ilalim ng Office of the President, katulad ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ay nakatulong sa mga anti-crime initiatives, lalo na sa isyu ng mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

 

 

“The President has created the new presidential office for child protection and I think it’s high time for that and many of us are very grateful to protect our children, the most vulnerable in society,” ani Poe.

 

 

Sinabi naman ni Bersamin na ang pagbabawas sa panukalang budget ay hindi makakaapekto sa paghahatid ng mga serbisyo ng Pangulo sa mga Pilipino.

 

 

Mabilis na naaprubahan ang panukalang budget ng OP dahil sa tinatawag na “parliamentary courtesy.” (Daris Jose)

Other News
  • Upakang Ancajas-Rodriguez, kasado na

    WALA nang atrasan, tuloy ang laban.   Matapos magkaaberya ng dalawang beses ay atat nang sumuntok uli si Filipino world champion Jerwin Ancajas nang maplantsa na at muling ikasa ang bout nila ni Mexican fighter Jonathan Javier Rodriguez na gaganapin sa Las Vegas sa Abril 11.   Sa ngayon ay dibdiban ang pagpapalakas ng 28-anyos […]

  • Kasabay ng selebrasyon ng kanyang 40th birthday: IZA, isiniwalat na ipinagbubuntis na ang first baby nila ni BEN

    SA Instagram post ni Iza Calzado-Wintle noong August 12, sabay sa celebration ang kanyang 40th birthday, isiniwalat ng magaling na aktres na magiging mommy na sa panganay anak nila si Ben Wintle.   Umaapaw nga ang happiness ngayon ng Kapamilya actress na mapapanood sa ‘Darna’ TV series bilang ina ni Narda, simula ngayong gabi na […]

  • Life at Trava: A growing community at the heart of sustainable suburban luxury

    Suburban luxury and sustainability may seem like two incompatible concepts, but the tides are changing. Many people are looking for homes that offer the best of both these worlds — private, spacious, and sustainable suburban homes.   This paradigm shift in homeowners’ priorities and aspirations propelled Greenfield Deluxe to develop Trava, a vibrant community taking […]