P10-K gift cash natanggap ng centenarian sa Navotas
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
NAKATANGGAP ng cash na regalo mula sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Navotas ang isang centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100 th kaarawan.
Personal na iniabot ni Congressman John Rey Tiangco ang P10,000 cash na regalo kay lola Dominga Santiago, kasama ang mga kinatawan ng CSWDO nan a mula sa pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco na sana ay makatulong sa kanya at kanyang pamilya.
“Tanging hiling ko sa Poong Maykapal ay panatiliin po kayong malakas at malusog sa mga darating pang mga araw at mga taon. Mga kapwa kong Navoteño, bigyan natin ng mainit na pagbati ang ating Centenarian celebrant!” ani Cong. JRT.
Aniya, may P100,000 din na matatanggap si Lola Dominga mula sa National government.
“Sana all, umabot din ng isang daang taon. Kaya mag-face mask at mag social distancing para abutin natin ang edad na iyon”, paalala ng mambabatas.
Samantala, nagpaabot din ng pagbati si Mayor Tiangco kay lola Dominga kung saan sinabi nito na nag natatanggap na cash na regalo para sa mga centenarian na residente ng lungsod ay nagsimula pa noong 2014 bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa pag-unlad ng Navotas.
Bukod dito, makakatanggap din si lola Dominga ng P500 NavoRegalo na isa sa mga programa ng Navotas para sa mga senior citizen na residente ng lungsod. (Richard Mesa)
-
Big-time oil price hike, umarangkada na naman
SIMULA alas-6 ng umaga, Martes (August 30) ay ipinatupad ng mga gasoline stations ang taas presyo sa kanilang produktong petrolyo. Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc., ay magkakaroon sila ng pagtataas sa presyo ng oil products dahil sa paggalaw ng presyuhan ng mga produktong petrolyo sa World market. […]
-
Covid 19 positive Filipino crew members mula India tinutulungan ng DOTr
Mula sa maritime sector ng Department of Transportation (DOTr) kasama ang Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Coast Guard, kasama ang mga ahensiya ng One-Stop Shop (OSS) ng Port of Manila ang nagsama sama upang bigyan ng assistance ang Filipino crew members sakay ng MV Athens Bridge mula India na may COVID […]
-
Sinovac, inaasahang darating sa Pebrero 28- Malakanyang
INANUNSYO ngayon ng Malakanyang na inaasahan nilang darating na sa bansa sa araw ng Linggo, Pebrero 28 ang 600,000 doses na COVID-19 vaccines na dinonate ng China’s Sinovac Biotech. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kapag nangyari ito ay kaagad na ikakasa ang pag-rollout ng nasabing bakuna, kinabukasan, Marso 1. “Inaasahan na darating […]