P144-B revenue sa POGOs makakatulong sa COVID-19 response, economic recovery – Salceda
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
Aabot ng hanggang mahigit P144 billion ang kikitain ng pamahalaan mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) matapos na aprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas para sa tax regime ng naturang industriya.
Sa pagtataya ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda, P15.73 billion ang kikitain ng pamahalaan sa unang taon nang implementasyon ng naturang batas at P144.54 billion naman sa susunod na limang taon.
Ang halagang ito ay maaring gamitin aniya para sa COVID-19 relief at economic recovery ng Pilipinas.
Dahil sa bagong batas na ito, nakikita ni Salceda na babangon ang POGO industry sapagkat mas stable na sa ngayon ang tax regime para sa kanila.
Nabatid na bumagsak ang POGO industry ng 50 percent sa mga nakalipas na taon dahil sa COVID-19 pandemic at temporary restraining order na inilabas ng Korte Suprema.
Gayunman, sa ngayon, binigyan diin ni Salceda na malayang makapag-operate ang POGOs sa bansa hangga’t nagbabawad ang mga ito ng wastong buwis sa pamahalaan.
Sa ilalim ng Fiscal Regime for POGOs, sisingilin ng 5 percent na buwis ang gross gaming revenues ng mga POGOs.
Itinakda naman sa 25 percent ang kokolektahin mula sa gross annual income ng mga alien employees.
Magkakaroon ng mahigpit na koordinasyon ang Bureau of Immigration, Bureau of Internal Revenie, PAGCOR at iba pang ahensya para matiyak na nasusunod ng wasto ang bagong batas na ito.
-
Kautusan ng DILG na hindi ipaalam ang brand ng COVID 19, binatikos ng CBCP
Hindi sang-ayon ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines hinggil sa kautusan sa Local Government Units na huwag i-anunsyo sa publiko ang brand ng vaccine na gagamitin sa pagbabakuna. Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, na siyang Vice-Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care, hindi ito patas para sa mamamayan […]
-
Sa pagbabalik-TV sa Kapatid network: RANDY, willing pa rin na samahan at idirek si WILLIE
SA pamamagitan ng kanyang Instagram account ay inilabas ni Zanjoe Marudo ang ilan sa mga larawan na kuha nila ng kanyang asawa na ngang si Ria Atayde habang nagha-honeymoon sa Balesin Island. Kasama ng dalawa ang buong Atayde family na itinaon na rin para sa Holy Week vacation ng buong pamilya ng beterana at […]
-
Ads August 17, 2023