• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1,500 dagdag sa senior citizens aprubado na sa Kamara

SINABI ni Malabon City Rep. Josephine Veronique ‘Jaye” Lacson-Noel matapos niyang mag file ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa reelection na aprubado na sa mababang kapulungan ang kanyang panukalang batas na magbibigay ng dagdag na P1,500 para sa seniors citizens sa bansa.

 

 

“Aside from several bills that have become law that I principally authored or co-authored which directly or indirectly benefit the city folks, I have been a key partner of the local officials led by Mayor Lenlen Oreta in extending much-needed assistance to our constituents like jobs for those who went jobless due to this Covid-19 pandemic,” pahayag ni Lacson-Noel.

 

 

Natuwa din siya sa suportang ibinibigay ng kanyang asawang si Rep. Florencio ‘Bem’ Noel, na naghain din ng kanyang COC bilang kinatawan ng An-Waray Party-list para sa ikalawang termino, sa mga mamamayan ng Malabon lalo na sa panahon ng pandemya.

 

 

Nagpapasalamat naman ang mambabatas ng Malabon sa pamunua ng House of Representatives matapos na ang kanyang House Bill 4057 ay naipasa na ng kanyang mga kasamahan at kaagad na isinumite sa Senado para sa pag-apruba nito bago ito pirmahan bilang isang batas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

“I am confident that the Senate will pass it with dispatch because this particular measure is very important for our senior citizens all over the country. They badly need extra monetary assistance for their needs like medicines for their maintenance especially amid these trying times,” ani Lacson-Noel na ang anak na si Regino Federico ‘Nino’ Noel, na naunang itinalaga ng Pangulo bilang bagong miyembro ng konseho ng lungsod, ay nagsampa din ng kanyang COC para sa pagka-konsehal.

 

 

Sinabi pa niya na ang pag-apruba ng Kamara sa HB 4057 ay napapanahon habang ang mga miyembro ng vulnerable sector na matatanda ay dapat bigyan ng pansin sa kasagsagan ng pandemya.

 

 

“Now that only the approval of the Senate is needed, it would be very clear that our senior citizens all over the country can soon get P1, 500 cash monthly from the government,” dagdag niya.

 

 

Ipinaliwanag ni Lacson-Noel na itinulak niya ang panukala sapagkat ang mga umiiral na batas na nagbibigay ng suporta sa mga senior citizen ay hindi sapat upang mapanatili ang kanilang mga pangangailangan lalo na sa kanilang gamut. (Richard Mesa)

Other News
  • NAKAKIKILIG ANG GINAWANG ‘SWEET PROPOSAL’: KLEA, KA-DATE ANG GF NA SI KATRICE SA ‘GMA THANKSGIVING GALA’

    LOVE wins sa nalalapit na GMA Thanksgiving Gala 2023 para kay Klea Pineda.       Nag-share ang Kapuso actress at StarStruck 6 Female Survivor ng video sa kanyang TikTok ng ginawa niyang sweet proposal sa girlfriend na si Katrice Kierulf para maging date niya ito sa GMA Thanksgiving Gala on July 22.     […]

  • PSC hahanap ng dagdag na pondo para sa paglahok ng Team Philippines sa Vietnam SEAG

    MAGHAHANAP ang Philippine Sports Commission (PSC) ng karagdagang pondo para sa national delegation na isasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.     Sinabi kahapon ni PSC Commissioner at Team Phi­lippines Chef De Mission Ramon Fernandez sa ‘Power and Play’ program ni Noli Eala na hihingi sila ng tulong kay Philippine […]

  • P100 milyong piso, ilalaan ng DA-BFAR para palakasin ang produksyon ng asin

    MAGLALAAN  ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR)  ng  P100 milyong piso para palakasin ang produksyon ng asin sa bansa.     “Para sa taong 2022 isinusulong ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang paglalaan ng pondo sa halagang P100 million,” ayon kay BFAR Chief […]