P20/kilo bigas ibebenta na rin sa low income earners
- Published on May 29, 2025
- by @peoplesbalita

Ito ay makaraang magkasundo “in principle” ang Department of Agriculture (DA) at Department of Labor and Employment (DOLE) na isama na ang mga minimum wage earners sa patuloy na pilot run ng P20/kilo rice program.
“This initiative stems from the President’s promise to extend the P20/kilo rice program to those who need it most. For now, participation is limited to workers from companies that have expressed interest in the pilot program,” ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr..
Inaasahan din ng DA na ang mga eligible workers mula sa mga participating companies ay makapagsimula nang maka-access sa P20/kilo rice program sa Hunyo.
Sa pamamagitan ng programa, ang NFA ay pinapayagan na makabili ng mas maraming bigas mula sa mga lokal na magsasaka.
Ang murang bigas ay datihang naibebenta lamang sa mga Kadiwa Stores para sa mga indigents, senior citizens, solo parents at PWDs.