• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P200-M hiling ng ECOP sa gov’t bilang ayuda sa nagsarang SMEs para makabayad sa 13th-mo. pay

Nagpapasaklolo ang grupo ng mga employers sa gobyerno na tulungan ang mga maliliit na negosyo na posibleng hindi makapagbigay ng 13th month pay sa pagsapit ng buwan ng Disyembre.

 

 

Inamin ni Sergio Ortiz-Luis Jr., presidente ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), inihahanda na nila ang sulat at idadaan sa DTI na sana maglaan ang gobyerno ng P200 million na ipapautang sa mga small and medium industries na walang interes at maaaring mabayaran sa loob ng isang taon.

 

 

Umaasa naman kasi ang mga negosyante na baka sa papasok na bagong taon ay makakabawi na ang negosyo sa bansa.

 

 

Sa pagtaya ni Ortiz baka abutin sa tatlong milyon ang mga manggagawa ang hindi raw makakatanggap ng 13th month pay na nakasaad sa batas dahil sa nagsara na ang mga negosyo bunsod ng epekto ng pandemya.

 

 

Batay pa sa pagtaya ng ECOP nasa 800,000 na SMEs o small and medium enterprises ang nagsara na.

Other News
  • Pamahalaan, ipag-uutos na ipasara ang simbahang Katoliko

    KAAGAD na ipag-uutos ng pamahalaan ang pagpapasara sa mga Simbahang Katoliko na tututol sa naging direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nagbabawal sa religious gathering sa panahon ng National Capital Region (NCR) Plus bubble mula Marso 22 hanggang Abril 4 sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesperson Harry […]

  • FIRST U.S. REVIEWS HAIL “THE WOMAN KING” AS OSCAR-WORTHY EPIC ADVENTURE

    FRESH from its successful premiere at the Toronto International Film Festival, the initial reviews for The Woman King are now out, and critics are unanimous in praising Viola Davis’ fierce reinvention as an action hero and the film as a rousing, action-packed crowd-pleaser.       [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/Urnw1iqXI9E]     Garnering 100% Fresh Rating over […]

  • Arcilla kinopo kampeonato ng San Carlos City Nat’l Netfest

    SINUNGKIT ni Johnny Arcilla ang isa pang men’s singles Open trophy sa napaikling senaryo sa katitiklop  na PPS-PEPP San Carlos City National Tennis Championships pagkaretiro ni Jose Maria Pague sa second set dahil sa tama sa singit sa Negros Occidental.     Kinasangkapan ni Arcilla ang pagiging ismarteng beterano sa pagtarak ng 6-3 sa opening […]