• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P200K ang isang set na may personalized message: First-ever handpainted toy collectibles ni HEART, inaasahang magso-sold out

WALA talagang tigil ang Kapuso star and fashion icon na si Heart Evangelista sa kanyang pasabog na artworks.

 

Infairness, pinangangatawan na talaga ni Heart ang pagiging ‘artist’ at talaga namang inaabangan ng mga art lovers and collectors ang kanyang latest creations.

 

Sa kanyang Instagram post, pinasilip nga ni Heart ang kanyang first-ever handpainted toy collectibles na tiyak na pag-aagawan ng mga collectors.

 

Caption niya, “LoveMarie x @secretfreshgallery “My first ever Art Toy release, a collectible set of 12 figures – each hand painted – will be released in a limited run of only 50 sets. πŸ«€πŸ’ŒπŸ€ Each set comes with a personalized message for me (a surprise actually) 28 August 2022 Secret Fresh Gallery

 

“For pre order please contact Raymond Lapurga at 0917 682 9440 or dm @secretfreshgallery

 

“My Other stories/works will also be displayed πŸ™‚ (thank you already for the love).”

 

Ang naturang hand-painted resin figures ay ire-release in a limited run of 50 sets sa August 28, na kung saan makikita rin ang kanyang mga paintings sa naturang gallery.

 

Ayon sa owner ng Secret Fresh Gallery na si Bigboy Cheng, ini-expect nilang maso-sold out ang toy collectibles ni Heart after na i-announce ito last Sunday.

 

Ang bawat set may kasamang wooden box at yun one-of-a-kind personal message ni Heart, nagkakahalaga lang naman ito ng P200,000.

 

Kaya kung mabenta lahat ang 50 sets, katumbas ito ng ten million pesos.

 

Bali-balitang higit na sa kalahati ang nabebenta at marami pang nag-i-inquire dito at sa ibang bansa.

 

Kaya comment ng mga netizens at followers ni Heart na hangang-hanga at talagang napa-wow na naman:

“Those art pieces, so unique and so beautiful!πŸ”₯β€οΈπŸ‘ Congratulations @iamhearte”

“Congrats!! May art toy na!!”

“Omg! Would love to have one of your painting.”

“Omg how can i purchase?? Im in USA.”

“OMG Heart, this is incredible – i want one of your paintings tho

“Congrats Heart! Love your toy art collection! ❀️ Hanggang tingin at hangad na lang ako.”

“You’re so good in your artworks!…Congratulations to your new collections….”

“Super nakaka proud ✨πŸ₯‚ Congratulations! All the best to you, SweetHEART.”

“Tama ang kasabihan β€œAng mayaman lalong Yumayaman” coz they never stop on what they’re doing…”

Suggestion pa nila, “@iamhearte can you do Toy Art with all your outfits mga Fashion Week in Europe that would be fantastic!”

“If ever she’ll come out with that, I’ll sure get the one she’s wearing the famous “binalatang suman” by Cheetah Rivera.. kidding aside, that black and green skirt. She looked amazing in that outfit.”

“Kahit dressing dolls from local or international designers I bet she can! she has a lot of sources, bibili talaga ako.”

“Ms Heart you are such a talent hope you consider doing another series of painting at the Ayala Museum.”

At para sa mga marites na nagpakalat ng tsismis kina Heart at Sen. Chiz Escudero, say ng netizen, “Mga marites o ito na ang sagot sa mga tanong chismis nyo… now we know y Ongpauco and Escudero have been removed from Ms. Heart’s profile name.. Goodluck ms. Heart sa bagong venture mo…”

Makikita nga sa pasilip na video sa kanyang toy collectibles ang isa-isang pagsusulat ni Heart ng personal message na kasama at bawat set. Nandun din ang mag-asawang Julius at Christine Babao, na isa sa unang bumili ng limited artwork ng aktres…

Comment ni Christine, “So Exciting!! πŸ’œβ€οΈ congratulations Hearty! Proud to be one of the 50 owners of your limited series. And thankyou, for personalizing the special dedication for me and @juliusbabao πŸ˜˜πŸ’‹πŸ‘©β€β€οΈβ€πŸ’‹β€πŸ‘¨”

Matatandaan na ang presyo ng mga paintings ni Heart mula sa 200K hanggang 600K.

At nang tanungin si Heart kung how much na ang price ng ‘three-panel painting of women’, sagot niya, β€œThis would be about PhP6 million.”

 

Kung ibebenta naman niya ang paintings sa NFT digital art, ni-reveal ni Heart sa isang interview ang nakakalulang presyo nito, β€œIt can go up to three million dollars, actually, or higher. It depends.”

 

Infairness kay Heart, ang hobby at galing niya sa pagpi-paint ay nagbibigay sa kanya ngayon ng malaking kita na pwede niyang pagkunan para ibili ng mga expensive things and at the same time dagdag din sa kanyang savings.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Kai Sotto pinagbidahan ang Adelaide 36ers

    MULING nagpasiklab si Kai Sotto upang tulungan ang Adelaide 36ers sa 88-83 overtime win laban sa Melbourne United sa 2021-2022 Australia National Basketball League (NBL) kahapon sa Adelaide Entertainment Center.     Naging instrumento ang 7-foot-3 Pinoy cager para makuha ng 36ers ang ikaapat na panalo sa 10 pagsalang para saluhan sa No. 6 spot […]

  • Sabong balik-ruweda na; pagkakaisa ng gamefowl associations kinilala ng GAB

    SA unti-unting pagbabalik ng sabong (cockfighting), nananalaytay muli ang sigla ng mga Pinoy na nakasandal sa industriya at naisakatuparan ito dahil nagkaisa at nagtulungan ang lahat ng indibidwal at grupo na kaagapay sa kabuhayan ng sambayanan.   Mismong si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham β€˜Baham’ Mitra ang per- sonal na nagpasalamat at nagbigay […]

  • Joshua, umaming walang lovelife after Julia dahil sa iba naka-focus

    ISA ang adobo sa specialty na itinuro kay Joshua Garcia ng tatay niyang magaling magluto na itinuro rin sa kanya ng nanay niya, bale lola ng aktor.   Natikman kaya ni Julia Barretto ang lutong adobo ng ex-boyfriend niyang si Joshua noong magkarelasyon pa sila?   Sa latest vlog ni Erich Gonzales nang i-upload ilang […]