• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P25/kilong bigas hiling pabahain sa lahat ng palengke

MABILIS  na inaprubahan ng House Committee on Agriculture and Food ang panukalang isama ang tobacco smuggling bilang economic sabotage.

 

 

Napagkasunduan din ng komite na mag-draft ng committee report para i-endorso sa plenary ang panukalang batas na inihain nina Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Margarita Nograles at Presidential son at Ilocos Norte Rep. Ferdinand “Sandro” Marcos.

 

 

Sa house bill 3917, isinusulong ng dalawang mambabatas ang pagpataw ng mas mabigat na parusa at multa sa tobacco smuggling sa pamamagitan ng pag-amyenda sa ilang probisyon sa Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

 

 

Aamyendahan din ng panukala ang Section 3 ng RA 10845 para maisama ang tobacco smuggling, maging ito ay manufactured products tulad ng cigars, cigarettes, o heated tobacco, bilang economic sabotage na may parusang life imprisonment at multang dalawang beses na mas malaki sa fair value ng smuggled agricultural product, buwis at iba pang multa.

 

 

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Nograles na ang tobacco farming ay nananatiling pangunahing pinagkukunan ng pangkabuhayan ng maraming magsasakang Pinoy kahit na mataas ang excise taxes sa bentahe ng tobacco products.

 

 

“The tobacco industry is a common source of income for many Filipinos. This contributes to around 516,000 labor force in 2019 and around 2.2 million  Filipinos generated earnings from the industry. The significant impact was it accounts for 6% of tax revenue in 2020, and 58% of so-called sin tax receipts are being used to finance the national health budget – including the universal health care resulting in 8 million more low-income families receiving health care under this program,” ani Nograles.

 

 

Nananatili pa rin aniyang mataas ang tobacco production mula Abril hanggang Hunyo 2022, kung saan tinatayan na ang produksyon ng tobacco dried leaves ay nasa 36.38 libong metriko toneladas. Ang Ilocos region ang siyang pangunahing tobacco producer na nasa 24.02 librong metriko tonelada o 66% bahagi ng total tobacco production.

 

 

Ngunit, hindi lamang nagdurusa ang local tobacco farmers at lehitimong tobacco product manufacturers dala na rin ng mataas na excise tax kundi dahil na rin sa malaking halaga ng tobacco products naipinapasok sa bansa ng iligal. (Daris Jose)

Other News
  • Pope Francis sa kanyang New Year message: ‘We want peace’

    MULING nagpakita sa publiko si Pope Francis matapos na mapilitan itong lumiban sa New Year services ng Simbahang Katolika dahil sa naranasan nitong chronic sciatic pain.   Kung maaalala, hindi nakadalo ang Santo Papa sa prayer service dahil sa sciatica, na pananakit mula sa ibabang bahagi ng likod hanggang sa ibabang parte ng katawan.   […]

  • Pinondohan ng administrasyong Duterte ang mga atletang Filipino

    PINANINDIGAN ng Malakanyang na namuhunan ang administrasyong Duterte sa mga atletang Filipino na nagresulta ng tagumpay ng mga ito sa Tokyo Olympics.   “Kahapon sinabi ko, hindi aksidente o hindi coincidence lamang na ‘yung ating kauna-unahang ginto at ang ating best ever performance sa Olympics, [ito] ay dahil din po sa mga resources na ginugol […]

  • Sana ako si Santa Klaus (2)

    NASABI na po kahapon ng Opensa Depensa ang Christmas wishes para sa ilang sports officials at athletes natin sa unang labas ng serye ng pitak na ito dahil nga Pasko 2020 na sa Biyernes, Disyembre 25.   Kabilang sa una ko pong mga natalakay na gusto kong ipagkaloob sa kanila kung ako sana si Santa […]