• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P275-B Maharlika Wealth Fund target maipasa bago mag ‘Christmas break’ ang Kamara – Salceda

KINUMPIRMA ni House Ways and Means Committee Chair at Albay Representative Joey Salceda na target nila na maipasa ang panukalang P275- billion Maharlika Wealth Fund bago mag Christmas break ang House of Representatives sa December 17.

 

 

Ayon sa economist solon, ang MWF ay makakatulong para mas mapalaki ang investment opportunity ng pamahalaan.

 

 

Paliwanag ng mambabatas mas malaki ang inaasahang kikitain ng gobyerno kung ikukumpara sa individual investments na pinapasok ng GFI’s gamit ang kanilang investible funds.

 

 

Ang kikitain ng MWF, ang siya naman aniyang gagamitin para sa mga programa at proyekto ng gobyerno.

 

 

Pinabulaanan din ni Salceda na kanilang minamadali ang panukala.

 

 

Naniniwala din si Salceda na ngayon ang pinaka tamang panahon para maisabatas ito lalo at maraming proyekto na matagal na dapat ipinatupad ang hindi pa rin napopondohan tulad na lang ng pagpapatayo ng bagong dam at electrification.

 

 

Sa kabilang dako, siniguro din ng beteranong mambabatas na hindi magagaya sa 2016 1Malaysia Development Berhad scandal, ang panukalang P275 billion Maharlika Wealth Fund na isinusulong ngayon sa Kamara.

 

 

Punto ni Salceda may sapat na safeguards ang kanilang inilagay para maprotektahan ang pondo sa anumang iligal na paglustay ng pera.

 

 

Ang Maharlika wealth fund ay priority measures ng Pangulong Bongbong Marcos.

 

 

Limang Government Financial Institutions ang paghugutan ng investment na ilalagay sa Maharlika Wealth Fund.

 

 

Samantala, pinawi naman ni Salceda ang maling paniwala na mayruong conflict of interest sakaling si Pang. Bongbong Marcos ang uupong chairman ng board of directors. (Daris Jose)

Other News
  • PNP handang humarap sa imbestigasyon ng ICC pero dapat may ‘go signal’ sa presidente – Sec Año

    Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang daw ang makapagsasabi kung pahaharapin o hindi ang Philippine National Police (PNP) sakaling ipatawag ng International Criminal Court (ICC) .     Ito ay makaraang simulan na ng ICC ang kanilang imbestigasyon kaugnay ng war on drugs ng pamahalaan.     Ayon kay Department of the Interior and Local […]

  • Suporta ng private sector sa nat’l greening program, hinirit ni Cimatu

    UPANG higit pang mapangalagaan ang kalikasan, nanawagan si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu sa private sector na makipagtulungan sa pamahalaan para sa pagpapatupad ng Enhanced National Greening Program (ENGP), na isang hakbang ng gobyerno upang madagdagan ang “forest cover” sa bansa.   “We hope to encourage more private companies […]

  • Raymart, nag-post sa IG stories ng kanyang pagbati: JODI, waging Best Actress at kinabog ang mga kalaban sa ‘Asian Academy Awards’

    ANG Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria ang nag-iisang nakapag-uwi ng tropeo para sa Pilipinas sa Asian Academy Awards 2022 na ginanap sa Singapore noong December 8.     Si Jodi nga ang itinanghal na Best Actress in a Leading Role at kinabog niya ang mga kalaban na mahuhusy na aktres mula India, Singapore, […]