P28 bilyon gagastusin sa national election, plebisito sa Cha-cha
- Published on February 22, 2023
- by @peoplesbalita
AABOT sa P28 bilyon ang gagastahin ng pamahalaan kung isasagawa ng magkahiwalay ang pambansang halalan at plebisito sa Charter change (Cha-cha).
Sinabi ni NEDA Undersecretary for Legislative Affairs Krystal Lyn Tan Uy sa pagharap nito sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments and Revision of Laws kaugnay sa panukalang amyendahan ang 1987 Constitution, sa nasabing halaga ay hindi pa kabilang ang Barangay election na nakatakda naman sa Oktubre 2023.
“If it’s going to be held as a separate national election and national plebiscite, the total cost would be P28 billion,“ ayon kay Uy.
Sinabi ni Uy na kung isasabay ang plebisito sa susunod na Barangay o national election, ang gastusin ay aabot lamang sa P231-M.
Sa ilalim ng Saligang Batas, ang Kongreso ay maaring magpatawag ng Constitutional convention (Con-con) sa pamamagitan ng 2/3 votes ng mga kongresista. Habang ang Constituent Assembly (Con-ass) ay mangangailangan ng 3/4 votes.
Aniya, ang gastusin ay mababawasan pero mas kontrobersiyal ito dahil nababahala ang mga kritiko na kung aamyendahan ang Saligang Batas ay baka mauwi ito sa pagpapalawig umano ng termino ng mga halal na opisyal sa gobyerno.
“If the cost is for a separate national plebiscite of a constituent assembly, the estimated cost is P13.8 billion”, ani Uy pero kung ang Con-ass ay gaganapin kasabay ng susunod na Barangay election o nasyonal na halalan, nasa P30-M ang magagastos ng gobyerno.
Sa botong 16-3 ay ganap na naaprubahan ang Committee report ng House Resolution on Both Houses (RBH) na nanawagan ng Con-con. (Daris Jose)
-
TAKE A PEEK INTO THE WONDERFUL WORLD OF “WONKA” WITH FIRST OFFICIAL TRAILER
THE best things in life begin with a dream. Find out how the world’s greatest inventor, magician and chocolate-maker became the beloved Willy Wonka we know today. Starring Timothée Chalamet, “Wonka” opens in Philippine cinemas January 8, 2024. Watch the trailer. About “Wonka” Based on the extraordinary character at the center of “Charlie […]
-
Suplay ng karne ng baboy, sapat ngayong Pasko – DA
SAPAT ang suplay ng karne ng baboy sa merkado ngayong Pasko. Ito ang tiniyak kahapon ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez. Ayon kay Estoperez, dahil mas gusto ng mga mamimili na bumili ng sariwang karne, nag-aalangan ang mga nagbebenta ng frozen meat na ilabas ang kanilang mga supply […]
-
GINANG TUMAWID SA KALSADA, PATAY
NASAWI ang isang 49-anyos na ginang nang nabangga ng sasakyan habang tumatawid sa kalsada sa Intramuros Maynila Linggo ng hapon. Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Rodella Florintino Litaw, walang asawa ng Brgy 658 Intramuros Manila subalit dakong alas-3:23 kamakalawa ng hapon ay nalagutan ito ng hininga. Kinilala […]