P29/K bigas sinimulan nang ibenta sa Kadiwa stores
- Published on August 10, 2024
- by @peoplesbalita
NAGSIMULA nang magbenta ang gobyerno nitong Huwebes ng P29 kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa stores sa ilang tanggapan ng National Irrigation Administration (NIA).
“Ngayong araw ang simula ng Kadiwa center sa NIA, makabibili ng P29/kilo na bigas ang senior citizen, miyembro ng 4Ps,” pahayag ni NIA Administrator Eduardo Guillen.
Samantalang nakatakda namang ilunsad sa susunod na linggo ang programa sa P29 kilo ng bigas sa mga Kadiwa Centers para mas marami pang mga konsumer mula sa nabanggit na sektor ang makabili.
Ayon kay Guillen at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., limitado lamang sa 10 kilo ng bigas kada konsumer ang pahihintulutan upang mas marami pa ang mapagsilbihan ng nasabing P29 kilo ng bigas program.
Bagong ani ang bigas na ibebenta na masarap at magandang klase.
Aminado naman ang opisyal na ang mataas na presyo ng bigas ay isang matinding hamon sa gobyerno lalo na sa mga surveys ay lumilitaw na mataas pa rin ang inflation sa bansa.
Una nang sinabi ni Laurel na ang pagbebenta ng bigas sa halagang P29 kada kilo ay isang long term program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
-
Bayan Muna ipaparating sa SC ang pagkuwestiyon sa pagmamadaling maipasa ang 2025 national budget
NAKATAKDANG kuwestiyunin sa Korte Suprema ng grupong Bayan Muna ang ginawang pag-sertipika ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa 2025 budget bill. Sinabi ni Bayan Muna chairpeson Neri Colmenares, na ang nasabing executive power ng pangulo ay inilalaan tuwing may kalamidad at anumang emergency. Dagdag pa nito na mayroon na silang parehas […]
-
Ads June 14, 2024
-
British boxer Amir Khan, interesadong makalaban si Dela Hoya
Nagpahapyaw si British boxer Amir Khan sa ambisyon niya na makaharap din si retired boxing legend Oscar Dela Hoya. Sa pamamagitan ng kaniyang social media, nag-post ito ng larawan na kasama ang dating Mexican champion. OSCAR DELA HOYA Sinabi nito na interesadong bumalik sa boxing si Dela Hoya at interesado rin siyang […]